Bwelta ni Kris kay Cristy Fermin: Dito ako papalag…binastos ko ba ang pagkatao n’ya?

“I DO not have to attend every fight I’m invited to. I cannot control what people will say about me or do to me, BUT I can control my reaction & subsequent actions.”

Ito ang sagot ni Kris Aquino sa post ng dati naming patnugot na si Dindo Balares ng larawan nila ni ‘Nay Cristy Fermin sa Instagram kagabi.

Ang caption ni Dindo sa litrato nina ‘Nay Cristy at Kris na kasama siya, “May mga nagpapadala sa akin ng links sa items ng hidwaan nina Nanay Cristy at Kris. May ilang media friends din na nagtatanong kung ano ang nangyayari.

“Ganito po ang sitwasyon ko. Imagine, may ermitanyong nag-aayos ng kanyang taniman ng buyo na winasak ng bagyo. May dumating, nagbalita na may hindi pagkakaunawaan ang anak ko at ang nanay ko.

“Makakapamili ba ako ng kakampihan?

“Alam pareho nina Kris at ‘Nay Cristy, at maging ng lahat na malalapit sa akin, hindi ako palagatong sa away, na peacemaker ako. Nakapag-alaga na ba kayo ng dove o kalapati? Kusang umaalis ang mga kalapati ‘pag panay ang away ng pamilya ng nag-aalaga.

“Ganyan ako. Kaya nga ako bumalik sa pagtatanim.

“Pareho kong mahal ang Nanay at ang anak ko, na parehong strong personality. Parehong sikat. Ako’y retired na, isang hamak na magsasaka na lamang.

“Pero kung mahal talaga nila ako, tulad din ng pagmamahal ko sa kanila, at gusto nilang magkaayos o magkasundo, alam nilang isang tawag lang ako.”

Sabado ng hapon ito pinost ni Dindo, pero gabi na ito nakita at sinagot ni Kris.

“Dito ako papalag Kuya Dindo nagsalita ba ko laban sa ‘nanay’ mo? Hinarangan ko ba ang grupo nila? Binastos ko ba ang pagkatao n’ya?

“Sa daming beses na pinagsalitaan n’ya ko ng lahat ng pinaka masasakit na below the belt na panlalait mula ulo hanggang talampakan- ni minsan ba pumatol ako?

“Ang alam ko sa away o laban, parang boxing, parehong dapat pumasok sa boxing ring – eh para um-effort nga na pumunta sa Elorde gym nga wala talaga akong balak mag commute, mag Grab, o mag pa drive I saved all the messages @akosilolitsolis & I exchanged starting from October 28.

“Maglabas sila ng kahit sino mula sa side ng Pure Gold na pwedeng mag patunay sa mga pinaratang sa kin dahil ang client na producer ang pwedeng magbigay linaw sa lahat.

“There are battles worth fighting & there are stories worth correcting, sa dami ng problema ng mga tao at sa mga responsibilidad ko sa buhay, hindi ito ang uunahin kong asikasuhin.

“Mas makatao at may katuturan kung tumulong ako sa mga Bicolano dahil sila ang talagang mabigat ang dinadala hindi ako nagbibitiw ng salita lalo na sa pagtulong sa abot ng aking makakaya kung hindi ko ‘to gagawin I understand you, a person can potentially have many children, but you will only have 1 mother.

“No hard feelings, ‘yung naging ‘anak’ mo nagbago na talaga pero hindi ibig sabihin nu’n mapapalitan ang dugong nanggaling kay Ninoy & Cory marunong pa ring manindigan pag sigurado na katotohanan ang pinanghahawakan.

“Hindi lang nga nararamdaman na kailangan pang pagsigawan ngayon alam ko na- I do not have to attend every fight I’m invited to. I cannot control what people will say about me or do to me, BUT I can control my reaction & subsequent actions.”

Marami kaming komentong nabasa na sana’y magkaayos na sina ‘Nay Cristy at Kris na siya rin naming nais mangyari.

Read more...