Aiko ayaw na munang magkontrabida, tumodo na sa ‘Prima Donnas’

SIGURADONG ngayon pa lang ay atat na atat na ang mga adik sa “Prima Donnas” tulad ng mga kapitbahay namin, dahil sa wakas ay mapapanood na nga ang fresh episodes nito simula sa Lunes.

Makalipas nga ang halos kalahating taon, magpapatuloy na ang natigil na kuwento ng top-rating drama series ng GMA ngayong Nov. 9 sa Afternoon Prime block.

Habang ipinatutupad ang lockdown, ipinalabas muli ang past episodes ng “Prima Donnas” kung saan sunud-sunod na shocking plot twists ang napanood ng Kapuso viewers.

Kabilang na riyan ang mga pasabog na balak ni Kendra (Aiko Melendez) sa tulong ni Brianna (Elijah Alejo) para muling mapasakanya si Jaime (Wendell Ramos) at makuha ang loob ni Lady Prima (Chanda Romero) at tuluyan nang mawasak ang buhay ni Lilian (Katrina Halili) at ng mga anak niyang sina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo).

Sey ni Katrina, “Dahil maraming nabitin na eksena, lahat ng mga katanungan masasagot na sa nalalapit na fresh episodes. Lalo po itong pinaghandaan ng buong production.”

“I’m very grateful and excited dahil malapit nang mapanood ng viewers ang aming pinaghirapan. Taping under the new normal was such an experience and also very challenging for the whole team,” chika naman ni Wendell.

Bumilib naman si Chanda sa professionalism ng lahat ng co-stars niya sa new normal taping, “As an actor, bumilib ako sa lahat ng members ng cast. We stopped taping months ago noong mag-lockdown dahil sa pandemic. Pero hawak pa rin nila ‘yung roles na ginagampanan nila. In fact, mas intense ang performance nila ngayon, mas may kulay ang characters.”

“Masaya kami sa lock-in taping. Ang nagustuhan ko lang ay very organized ang buong staff. Alaga kaming mga artista. Naging close kami lahat. The only challenge is being away from my family that long,” pahayag naman ni Benjie Paras na gumaganap na family driver ng mga Claveria.

Ito naman ang promise ng batang kontrabida sa serye n si Elijah, “Dapat po nilang abangan kung ano pa pong gagawin ng mag-inang Kendra at Brianna sa mga Claveria. Abangan din po nila si Brianna 2.0 dahil sigurado po akong kaiinisan po nila ulit ako.”

Feeling naman ni Aiko, “Masaya na may nerbyos at kaba but confident na magugustuhan ng mga viewers ang aming pagbabalik kasi talagang pinaghirapan ng lahat. Mula sa crew, staff, artists at directors.”

Chika naman ni Jillian, “Super happy po and at the same time medyo anxious since eight months po kami nawala sa TV. Sana po ‘di pa rin bumibitaw ang viewers namin lalo na po at marami pang mas exciting na mangyayari.”

Ito naman ang sey ni Althea, “Challenging po talaga ‘yung unang scene ko dahil matagal-tagal din napahinga ang character ko. Medyo kinakabahan po ako kung mapo-portray ko pa ba siya nang maayos o kung kilala ko pa ba ‘yung karakter ni Donnabelle.”

Samantala, speaking of Aiko, kung siya ang masusunod ayaw muna niyang tumanggap uli ng kontrabida pagkakatapos ng “Prima Donnas.”

“Sabi ko nga, Prima Donnas might be my last na magkokontrabida ako. Kasi I want to try something different because medyo nakaka-drain din kapag magkontrabida ka nang magkontrabida.

“Your audience is gonna get tired of watching you of doing the same old thing, di ba?” ani Aiko. Pero kambiyo niya, kung talagang maganda ang offer at feeling niya matsa-challenge uli siya baka pag-isipan pa rin niya.

Read more...