UAE, nag-abot ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Rolly

Nagparating ng pasasalamat ang Pilipinas sa gobyerno ng  United Arab Emirates (UAE) dahil sa ipinaabot na tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ipinahatid ang humanitarian assistance sa pamamagitan ng Philippine Red Cross.

Sinabi ng kagawaran na sa naturang tulong, napatunayan ang magandang relasyon ng UAE at Pilipinas.

“This kind of gesture will be remembered as a gesture from the heart of a caring nation that is the UAE, a true and reliable friend of the Philippines,” pahayag ng kagawaran.

Read more...