Hindi bababa sa 2,000 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado (November 7), umabot na sa 393,961 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 36,260 o 9.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,157 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Umabot sa 83.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.0 porsyento ang asymptomatic; 2.3 porsyento ang severe habang 4.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 24 muli ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,485 o 1.90 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 252 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 350,216 o 88.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.