Sa ginanap na virtual mediacon para sa bagong iWant TFC digital series na “Oh, Mando!” kahapon, nasabi ni Barbie na wala pa siyang balita sa kalagayan ngayon ng family niya sa Virac, Albay na isa sa pinakamatinding naapektuhan ng bagyo.
Natanong kasi ang dalaga kung ano ang pinaka-challenging na sitwasyon na hinarap niya ngayong panahon ng pandemya.
“I think the most challenging was mahiwalay ka sa pamilya mo. Ang hirap talaga mahiwalay sa pamilya ngayon,” simulang sagot ng dalaga.
“And for me kasi, actually before kasi ang pinakaimportanteng bagay sa akin is may trabaho ako kasi pag wala akong trabaho, wala akong mabibigay sa pamilya ko.
“But now, dahil sa pandemic na-realize ko na, ‘Oh my God, ang mga pinakaimportanteng bagay ngayon ay maging healthy ako at ang pamilya ko.’
“And lalo ngayon, bumabagyo. So, until now yung biggest challenge para sa akin, kasi I have family left in Albay and Catanduanes. It’s been three days. Wala pa rin kami balita sa kanila. Yung buong Virac sobrang washed out talaga and maraming namatay so yun yung challenge for me, being away from family,” pahayag pa ng aktres.
Ang isa pa sa ikinalulungkot ni Barbie ay ang magiging pagbabago sa kanilang family Christmas tradition, “Sobrang iba kasi before, every Christmas umuuwi talaga kami sa Albay sa pamilya namin.
“But ngayon, sobrang delikado, mahirap sumakay ng eroplano. Kahit land travel nga hindi rin ganun ka sigurado na makakapasok ka or makakabalik ka sa dati mong tinitirhan kasi strikto ngayon, yung mga travel pass, health clearance.
“So, it’s going to be different this year pero masaya ako dahil kasama ko ngayon yung kuya ko and yung mama ko and yun lang din naman yung importante sa akin, na magkasama kaming tatlo,” chika pa ng dalaga.
Samantala, mapapanood na simula ngayong araw ang isa na namang original Dreamscape Entertainment and Found films BL o Boy’s Love series na “Oh, Mando!”, 9 p.m. sa iWant TFC. Bida rin dito sina Alex Diaz at Kokoy de Santos sa direksyon ni Eduardo Roy.