Arjo super happy sa 30th b-day; nag-celebrate sa bahay kasama si Maine

KITANG-KITA ang kaligayahan sa mukha ni Arjo Atayde habang isine-celebrate ang kanyang 30th birthday kahapon.

Hindi naging hadlang ang patuloy na banta ng pandemya para maipagdiwang ang espesyal na araw ng aktor kasama ang kanyang pamilya at ilan pang mahal sa buhay.

Nag-post ang kanyang nanay na si Sylvia Sanchez ng ilang litrato sa Instagram na kuha sa simpleng birthday celebration ni Arjo sa kanilang bahay.

“Masaya ako anak @arjoatayde kasi alam kong masayang masaya ka. Maligayang kaarawan sa ‘yo. Love you,” ang maikli ngunit punumpuno ng pagmamahal na caption ng award-winning actress sa kanyang IG post.

Makikita naman sa ilang photos na ibinahagi ni Ibyang ang girlfriend ng anak na si Maine Mendoza na talagang naglaan ng oras para makasama ang boyfriend sa kaarawan nito.

Kaya naman kahit isang intimate at simpleng celebration lang ang naganap, siguradong super happy nga si Arjo dahil kasama niyang nagdiwang ang mga taong pinalamamahal niya.

Mahigit isang taon na ring magkarelasyon sina Arjo at Maine. Noong December, 2019, inamin ng dalawa ang kanilang “status” matapos nilang batiin ng isa’t isa para sa kanilang first anniversary.

Ilang beses nang sinabi ng celebrity couple na palagi nilang ipinagdarasal na sana’y sila na ang magkatuluyan sa ending at sa kasalan na mauwi ang kanilang pagsasama.

“Obviously, I’m of age already. Nothing to hide. Yes, we got to talk about it, so I said nga this is my love story, this is me, this is it for me.

“And you know we just have commitments and we still have things to do. And being here with each other throughout the years we just grow stronger. Eventually we’ll get there,” ang sabi ni Arjo sa isang interview.

Sabi naman ni Maine, balak niyang magkaroon ng sariling pamilya kapag 28 na siya, “Nag-uusap na rin kami about the future kasi, siyempre, tumatanda na rin ako.

“Siyempre, hindi naman tayo magsasayang ng oras na kasama yung mga taong hindi natin gustong makasama habambuhay,” aniya pa.

Read more...