Kalokohan talaga ang pagpasok ni Pacman sa politika!


Marami ang nalungkot sa balitang bankrupt na si Manny Pacquiao. Matapos lumabas ang interview ng kanyang confidante about the famous boxer’s financial status ay marami ang nabahala sa kalagayan ni Pacman.

Marami ang nagwi-wish na sana ay hindi true na nauubos na ang datung ng Pambansang Kamao. “Sana nga hindi totoo na nauubos pera niya pero totoo ang super gastos niya talaga and ang mga alipores niya, gahaman.

Well, maybe not all of them. Sana hindi totoo,” may halong concern na comment ng maka-Pacman. Tila sinisisi naman ng isang tagahanga ng boksingero ang pagpasok ni Manny sa politika.

Ang feeling niya ay dito naubos ang kayamanan ng Pambansang Kamao. “Kung totoo ‘yan kalokohan talaga sumabak pa siya sa politika,” sabi ng isang nag-comment.

Wish naman ng isa ay maka-recover si Pacman sa kanyang financial woes dahil marami naman daw talaga siyang natutulungang mga kapuspalad nating mga kababayan.

“Sana nga.. kasi kakalungkot. if ever totoo, sana makalearn na siya before it’s too late,” sey pa nito. Habang sinusulat namin ito, nagdenay na ang kampo ni Pacman na bankrupt na ang Pambansang Kamao, they insisted that the congressman still remains in control of billions worth of assets.

At kahapon, mismong ang mag-asawa na ang nagdenay na nalulugi na ang mga negosyo nila. May balitang baka raw magdemanda ang kampo ni Manny ng libel sa nagsulat ng nasabing artikulo.

( Photo credit to Google )

Read more...