NAGBABALA ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration nang posibleng flashflood at landslide sa Visayas at Mindanao sa paglapit ng low pressure area.
Ayon sa Pagasa, lumapit sa 480 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigal del Sur, ang LPA na maaaring maging bagyo.
Sa inilabas na advisory ng Pagasa, sinabi nito na magdadala ng “moderate to occasionally heavy” na pag-ulan ang LPA sa Visayas, Northern Mindanao at Caraga regions.
“Residents are advised to take all the necessary precautionary measures,” saad ng advisory. Kung lalong lalakas at magiging bagyo, ito ay tatawaging si Nando.
MOST READ
LATEST STORIES