Donita Nose na-shock sa message ni Sharon: Grabe hindi ko ma-explain ang feeling

INUULAN ng papuri ngayon mula sa mga netizens ang Kapuso TV host-comedian na si Donita Nose.

In fairness, Pambansang Beshie na ang tawag ngayon sa kanya dahil sa ipinakita niyang pagsuporta at pagmamahal sa BFF niyang si Super Tekla.

Hangang-hanga sila sa katapangan at pagiging tunay na kaibigan ni Donita dahil talagang hindi niya iniwan sa laban si Tekla lalo na noong kasagsagan ng iskandalong kinasangkutan nito at ng dating ka-live-in.

Of course, super na-appreciate naman ni Donita Nose ang mga positibong comments mula sa mga netizens pero may isang celebrity na nagpadala ng mensahe sa kanya na talagang ikina-shock niya.

Imagine nga naman, pati ang Megastar na si Sharon Cuneta ay nagpahayag ng paghanga sa kanya bilang isang tunay na kaibigan.

“Good morning mga BESHIES!!!!!!!! JUSKO!

“Shout out naman sa nag iisang Mega Star.

“Ms. Sharon Cuneta nakaka touch na message grabe dko ma explain ang feelings ko nang nabasa ko to. Grabe 1st time sa buhay ko may isang kapitapitagang Mega Star ang nag DM sakin.

“Woooohh salamat po ng marami madam… from Donekla in Tandem salamat po ng marami! We love you so much!”

Kalakip ng kanyang Facebook post ay ang direct message na ipinadala sa kanya mismo ni Shawie.

“Hi Ms. Donita! I hope mabasa mo ito. I just want you to know that I am touched by the kind of friend you have been to Tekla.

“He is so blessed to have you in his life. Sana madami pang katulad mo, lalo sa showbiz. Mas gaganda ang mundo.

“I wish you more success and happiness and I enjoy your vlogs so much! Thank you for making me laugh. Lots of love,” ang mensahe ng award-winning actress-singer kay Donita Nose.

Marami naman ang nagkomento sa post ni Donita at halos lahat sila’y nagsabing sana’y lahat ng kaibigan ay tulad ng komedyante na itataya ang lahat para lang ipagtanggol ang kanyang BFF lalo pa’t alam niyang ito’y nasa katwiran at nasa panig ng katotohanan.

Read more...