‘Pancit canton’ ni Heart viral na, sigaw ng netizen: Ngayon ko na-feel ang pagiging hampaslupa!

MARAMI ang naloka sa latest endorsement video ni Heart Evangelista which surfaced on Facebook.

Sa TikTok style video kasi, ipinakita ni Heart kung paano siya magluto ng pancit canton.  It was not how she cooked it that mattered to the netizens kung hindi ‘yung bag na kanyang ginamit in putting the ingredient before cooking.

Imagine, sa kanyang handpainted Hermes bag nanggaling lahat ng ingredient sa pagluluto ng pancit canton. Marami talaga ang naloka sa eksenang iyon.

“The video just called me poor.”

“How to cook pancit canton in a rich way.”

“Galing. Heart sosy pancit canton.”

“This video made called poor. But I went back for more like I’m part of an oppressed group or something.”

“Sosyalin naman ang pancit canton ni mareng Heart.  Di ko kinaya.”

“How to make 1 pack pancit canton worth hundred. Hahaha.”

“Heart made me realized that I belong to the laylayan.”

“I’ve never felt so hampaslupa ever.”

* * *

Walang kaduda-duda na magiging major winner itong si Ayegee Paredes na contestant sa  “Tawag ng Tanghalan” segment ng “It’s Showtime.”

Unang laban pa lang niya ay standing ovation na kaagad ang mga judges na sina Karylle, Jaya at Jed Madela. Ayegee from Malaybalay, Bukidnon sang a Whitney Houston number, “I Have Nothing”.

In her successive laban ay palagi siyang binibigyan ng standing ovation ng judges.  Mahihirap ang mga piyesa niya, ha, tulad ng “Paraisong Parisukat” and “Lupa”.

Ayegee owns the song she sings and gives it her own flavor, bagay na talagang ikinahanga ng judges sa kanya.  And when she makes birit, hindi masakit sa tenga.  Winner na winner ang kanyang pagkanta.

Una nang nagpakitang-gilas si Ayegee sa “X-Factor UK” when she auditioned in 2016.  Napabilib niya ang mga judges when she sang a Whitney Houston song.  Ivy Grace Paredes ang ginamit niyang name sa competition.

Umabot si Ivy Grace sa Six Chair Challenge after she sang Whitney Houston’s “I Have Nothing”.  Nag-standing ovation ang mga tao pati na ang three judges matapos siyang kumanta. Mag-a-advance na sana si Ivy Grace sa competition kaya lang ay nagkaproblema sa kanyang papeles.

“I’m a fan since 90s. Cguro cya yong pinakamagaling na contesera na mas magaling pa sa mga professional singers na hanggang ngayon hindi na bigyan ng chance sa dami na niyang na panalunan at napatunayan.”

“Seryoso, kung contestant ako tapos ganyan ang kalaban ko, uuwi talaga ako haha!”

“Mas magagaling pa to kesa sa mga nasa the clash.”

“I think sya na ang pinaka powerful na kumanta sa tnt stage! Grabe yong boses may amplifier!”

‘Yan ang mga papuri ng fans sa kanya.

Read more...