‘Mahina ang ulo’ comment ni Arnell sa socmed para nga ba kay Angelica?

TINIRA ng dating TV host at comedian na si Arnell Ignacio ang mga artistang hindi muna iniisip bago mag-post ng kanilang mga reklamo social media.

Ayon kay Arnelli, may mga celebrities kasi na post lang nang post ng mga nararamdaman nila pero hindi muna sila nagre-research kaya nagmumukhang tanga sa publiko.

Sabi pa ng comedian, noong mga nakaraang panahon sumasama raw ang loob niya kapag may mga nagsasabing “mahina ang ulo” ng mga artista.

Pero sa ngayon, mahirap na raw dumepensa at ipagtanggol ang mga artista na bina-bash sa social media dahil nga nakakabobo raw ang pinagsasabi ng mga ito.

“Noon ang artista kadalasan ang tingin, e, mahina ang ulo… na stereoyped kung baga.

“Nakakasama nga ng loob noon… pero ngayon ang hirap na ipagtanggol.

“Ang daming prueba, eh. Me yabang pa nga sa katangahan, e,” ang pahayag ni Arnel sa kanyang Facebook page.

Sinagot din ng proud supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang komento ng followers niya sa FB, tulad ng nagsabing dapat pakinggan ng mga kapwa niya artista ang payo niya sa tamang paggamit ng socmed.

Hirit ni Arnelli, “Proud pa nga sa katangahan, e.”

“At ang lakas ng loob na ipagsigawan ang katangahan,” aniya pa.

Samantala, kahit walang binanggit na pangalan si Arnell may mga netizens ang nagpalagay na ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang pinatatamaan ng comedian.

Nitong mga nakaraang araw, binanatan ng mga DDS (Diehard Duterte Supporters) si Angelica dahil sa tweet nitong, “Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino.”

Hindi rin nagbanggit ang aktres ng pangalan sa tweet niya pero feeling ng mga netizens ay patama niya ito kay Pangulong Duterte noong kasagsagan ng Bagyong Rolly.

Absent kasi ang Pangulo sa ginanap na press briefing ng pamahalaan habang binabayo ang tinawag na pinakamalakas na bagyong tumama sa mundo ngayong 2020.

In fairness, may mga nagtanggol naman kay Angelica at nagsabing may karapatan ang aktres na kuwestiyunin ang mga opisyal ng gobyerno dahil isa siyang taxpayer.

Read more...