P100K iuuwi ng ‘FIT’ na Filipina

Isang beterana ang kandidata ng Dumaguete City na si Malka Shaver. Hinirang siyang 2014 Miss Dumaguete at 2017 Miss Mandaue, at first runner-up sa 2018 Miss Manila pageant. Nagtapos siya sa Top 25 ng 2019 Binibining Pilipinas pageant./CONTRIBUTED

MAY bagong beauty pageant ngayon habang umiiral ang pandemya, kung saan P100,000 ang premyong matatanggap ng hihiranging reyna.

Layunin ng Miss FIT Philippines na isulong ang “wholistic fitness” ngayong panahon ng pandemya bunsod ng COVID-19. “Face,” “intelligence” at “tone” (toned body) ang kahulugan ng “FIT” sa naturang pageant.

“Good physical, emotional and mental health and strength are important for us to become better people inside and out, to strive for our goals,” sinabi sa Bandera ni Louise Theunis, national director ng Miss FIT Philippines pageant, sa isang panayam online.

“Total fitness is taking a more profound role in fighting the pandemic, making this pageant more relevant than ever,” pagpapatuloy pa niya.

Hinirang na Miss Philippines-Ecotourism sa 2019 Miss Philippines-Earth pageant ang kandidata mula Iloilo City na si Karen Nicole Piccio./CONTRIBUTED

Nakapili na ng 24 kalahok para sa patimpalak, na magtatagisan sa “various categories including swimwear and evening gown competitions, fitness challenge and, of course, the question-and-answer portion,” ani Theunis.

Sasailalim din sila sa mga virtual na pagsasanay sa personality development, public speaking, stress management, skin care, nutrition, at exercise.

Sa isang taon ng pagrereyna ng hihiranging Miss FIT Philippines, isusulong niya ang adbokasiya ng patimpalak na wholistic fitness, “defined as good physical, emotional and mental health and strength of the empowered woman.”

Isinasagawa ang 2020 Miss FIT Philippines pageant ng health and wellness brand na Ultra, sa pakikipagtulungan ng ProMedia Productions.

Wala pang takdang petsa ang edisyon ng patimpalak ngayong taon, ngunit umaasa ang mga organizer na magiging isang live event na ang susunod na edisyon ng Miss FIT Philippines.

Read more...