Kapatid ni Angel NPA daw talaga, ayon sa testimonya sa Senado | Bandera

Kapatid ni Angel NPA daw talaga, ayon sa testimonya sa Senado

Karlos Bautista - November 04, 2020 - 09:27 AM

Totoong miyembro umano ng New People’s Army ang kapatid ni Angel Locsin na si Ella Colmenares, ayon sa testimonya sa Senado ng isang nagpakilalang dating rebeldeng komunista.

“General Parlade is not lying. Ella Colmenares, the sister of Angel Locsin was an NPA in Quezon,” ayon kay Jeffrey Celis, aka Ka Eric, sa pagdinig ng Senado nitong Lunes sa isyu ng red tagging na isinasagawa ng mga opisyal ng militar.

Pinaratangan ni Lieutenant General Antonio Parlade Jr. si Colmenares na isang NPA matapos na sabihing simpatisador ng mga rebelde ang aktres na si Liza Soberano at si Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil sa kanilang paniniwala kaugnay sa karapatan ng mga kababaihan at sa pagtulong sa mahihirap.

Sinabi pa ni Celis na nagkita umano sila ni Colmenares sa Quezon noong ito ay isa pang miyembro ng NPA.

“Si Ella Colmenares, umalis ‘yan ‘di na siya mapipigilan so bumalik siya sa open mass movement pero CPP pa rin siya. She’s operating underground at alam ko nasa MAKIBAKA (Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan) siya sa Gabriela,” wika pa ni Celiz.

Nauna nang pinabulaanan ni Ella at Angel ang paratang na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending