Pia maraming pinaiyak na netizens: Nakakaawa siya, ipagdasal natin ang family niya

TRENDING ngayon sa social media ang pakiusap ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa publiko na hayaan silang pamilya na ayusin ang kanilang problema in private.

Kasabay pa nito ang pakiusap na tigilan na ang victim shaming lalo na sa kapatid niyang si Sarah Wurtzbach-Manze.
Nagpasalamat naman si Sarah sa panawagan ng kanyang ate Pia, “I love you and thank you.’’

May netizen ang nagkomento ng, “Hindi n’ya (Sarah) magagawang awayin ng matagalan si Pia. Remember. She needs Pia.’’

Ang payo naman ng isa pang netizen para matigil na ang bangayan ng mag-inang Sarah at Cheryl Alonso-Tyndall, “Pia, pakitanggalan ng wifi and internet connection ang nanay at ate mo.”

Nagparating naman ng suporta ang karamihang netizens base sa mga nabasa naming komento.

“Think before you click kase Sarah. Oo may problema na kayo hindi natin maaalis ‘yun pero ikaw tong nag post ng post sa IG kaya pinag-pyestahan tuloy family ninyo. Kawawang Pia naiipit sa nag uumpugang bato,” ayon sa isang netizen.

Sabi naman ng isa, “Ayaw na lang patulan ni Pia si Sarah kasi di din naman magpapatalo si Sarah at masakit din siya magsalita. Kung ano ano ang pinagsasabi niya sa nanay niya sa IG kaya din siya na-bash tapos off na ng comments section niya. Andami niyang pakawala don.

“Naniniwala ako hurt people hurt others. Pero kung sasaktan lang ni Sarah ang nanay niya, masasaktan din si Pia at pati na din siya. Kaya sana settle privately na lang, heal and move on. Pamilya pa kayo tapos kayo ay magaaway away. Walang buti na maidudulot.”

Pahayag ng isa pang follower ni Pia, “Imagine the stress she’s (Pia) going through no? ‘Yung hindi na niya alam san siya lulugar. I admire her nga because she remains calm pa rin and naha-handle niya ng maayos. I can say mabait si Pia talaga after Miss U, Ganu’n na ganu’n pa rin siya very humble and loving.”

“Ayan mga Klasmeyts, let us all pray na magkaayos silang magkakapamilya. Feel na feel ko yung hurt na nararamdaman ni Pia.”

“If Sarah sana resolve everything in private. Di wala sanang nag piyesta sa buhay nila. Kakaawa din si Pia.”

“Si Pia nga nagawang mapatawad sa kapatid nya, ikaw naman relax lang baks and just be happy that Pia is mabait at maunawain to her little sister.”

“I feel you Pia. I can relate kasi pinagdadaanan ko din yan, and still ongoing. Pero hindi nakaka-resolve ang trying to resolve privately kung ang isa sa pamilya eh laging nagra-rant publicly, kasi s’ya talaga ang always right. Hay, kelan kaya ang tamang panahon para malinawagan ang mga taong ganito.”

“I think she did the right thing by keeping quiet. Ang problema is ‘yung Sarah. Makes me think may pagka attention-seeker ang babaeng ito.”

Marami rin kaming nabasa na naiyak pagkatapos nilang mabasa ang panawagan ng dating beauty queen.

“OMG! NAIYAK AKO. I will pray for your family. Love you Pia.’’

“Pia always being the bigger person pag may issue sa kanya no? Truly admirable. True Queen indeed.”

 

 

Read more...