Telcos inatasan ng NTC na magbigay ng libreng tawag, charging sa mga sinalanta ng bagyo

An aerial view shows destroyed and flooded houses after Super Typhoon Rolly hit the town of Malinao, Albay province on November 1, 2020.  (AFP)

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Globe Telecom at Smart Communication na magbigay ng serbisyong libreng tawag at charging ng mobile phone sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly.

“In the aftermath of Typhoon Rolly, you are hereby directed to deploy Libreng Tawag and
Libreng Charging stations in strategic areas affected by the typhoon,” ayon sa memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na ipinalabas ngayong Martes.

Sinabihan ni Cordoba ang mga pangrehiyong direktor ng NTC na imonitor ang istriktong implementasyon nito sa Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region na matinding napinsala ng bagyo.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Lunes, umabot sa 46 na mga siyudad at bayan sa Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region ang nakakaranas ng network interruptions dahil sa sa mga nasirang linya ng telekomunikasyon.

May bisa ang nasabing memorandum hanggang sa darating na Linggo.

Read more...