2 Hollywood star humiling ng dasal para sa mga biktima ni ‘Rolly’

HUMILING ng dasal at tulong ang Hollywood actor at “Avengers” star na si Mark Ruffalo sa kanyang social media followers para sa Pilipinas.

Ito’y matapos ngang bayuhin ng Super Typhoon Rolly ang iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang na ang Metro Manila at ang mga kalapit probinsya nito.

Sa pamamagitan ng Twitter, nanawagan si Mark sa kanyang mga fans all over the world na ipagdasal ang Pilipinas at mag-donate para sa mga nasalanta ng mapaminsalang bagyo.

“Pray for our brothers and sisters in the Philippines then get ready to send donations,” ang tweet ng Hollywood actor.

Libu-libong netizens naman ang nagpasalamat kay Mark dahil sa ipinakitang pagmamahal at pakikisimpatya sa Pilipinas.

“#RollyPH is currently slamming my country. Strongest winds and Massive Rainfall. Thanks. Really appreciate this Mark,” comment ng isang Twitter user.

Sabi naman ng isang netizen, “Thank you for highlighting this. Most of my family, including my mom, are in the Philippines. They are going to need all the help we can give them.”

“Thank you so much Dear Hulk! The Gov’t is doing what they can to help, the NGOs and other politicians too. Please look back at the Yolanda Typhoon events and see how most of us were embarassed because those receiving the funds kept it to themselves. You can trust our President,” komento naman ng isa pang fan ni Mark.

Samantala, isa pang Hollywood star ang nagpakita ng concern sa bansa habang nanalasa ang Bagyong Rolly. Nag-tweet din si Russell Crowe para ipaalam sa buong mundo ang nangyayari sa Pilipinas.

“Just read about Super Typhoon Goni. Extraordinary wind speeds.

“Hope that it doesn’t make landfall at that force. Thinking of the people of The Philippines and wishing for everybody’s safety,” mensahe ng sikat na international actor.

Ilan sa mga matinding naapektuhan ng bagyo ay ang Bato, Catanduanes at Tiwi, Albay.

Read more...