CUTE ang chikahan nina Dyan Castillejo at Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo while inside a car.
Kinumusta ni Dyan kung ano na ang feeling ni Rabiya after winning the crown.
“I’m great. With all the stress, I feel like I did still a good job during the competition,” say ni Rabiya.
Dyan also asked her kung nakatulog na siya, “Actually, three hours lang. I arrive here in Manila at 3 a.m. There’s so much energy pa,” she said.
Ang mas nakakaloka ay ang sagot ni Rabiya when asked kung may boyfriend siya.
“I do have. We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend. I can make a man stay. We’ve been together since college. He’s very supportive,” say ng bagong kinoronahang beauty queen.
But what’s nakakaloka really was when Rabiya told Dyan na gumawa pa siya ng video saying na hindi niya iiwan ang kanyang boyfriend kapag nanalo siya ng Miss Universe Philippines crown.
“He made me a promise not to leave him even if I win the Miss Universe Philippines crown. I have a video stating that. He made me do that,” say ni Rabiya.
How cute, ‘di ba?
Mukhang deadma naman si Rabiya sa kumakalat na photo niya na kuha sa yearbook noong college. Malaki kasi ang pagkakaiba ng kanyang hitsura ngayon sa nakaraan niyang photo. Ang hinala ng marami ay nagparetoke siya.
* * *
“Inakda ng Panginoon” ang pagbabalik-free TV ng Kapamilya shows via A2Z Channel 11.
‘Yan ang sabi mismo ni Bro. Eddie Villanueva na may ari ng Zoe Broadcasting Network, ilang buwan matapos i-deny ng House of Representatives ang franchise application ng ABS-CBN noong July.
Guest ni dating ABS-CBN president Charo Santos-Concio at Tito Robert sa record-breaking na premiere episode ng “Dear Charo” sa FYE Channel sa Kumu si Bro. Eddie kasama ang lead star ng Halloween offering ng Star Cinema na “U-Turn” na si Kim Chiu.
Choice pala talaga ni Charo na si Bro. Eddie ang gawing guest para sa una nilang episode, para raw personal siyang makapag-thank you dito sa pagwe-welcome ng ilang Kapamilya shows sa istasyon niya.
‘Very humbled’ naman si Bro. Eddie pero sey niya, sa Diyos dapat magpasalamat at hindi sa kanya.
Bongga rin ang sinabi ni Bro. Eddie kina Charo, Robert, at Kim sa pakikinig niya sa chikahan ng tatlo bago siya umappear sa livestream.
“Hindi ako nagtataka na binigyan kayo ng Diyos ng significant success in your profession, dahil nandun sa inyong pagkatao ang kababang-loob kaya I believe heaven is open unto you,” say ni Bro. Eddie.
O, ‘di ba?! Mukhang tama naman si Bro. Eddie dahil naging successful din ang pilot episode ng “Dear Charo,” na most viewed lang naman agad sa FYE Channel (@fyechannel) sa unang livestream pa lang nito at nakakuha pa ng 384K likes.
Tuluy-tuloy lang ang paghahatid ng entertainment at serbisyo ng Dos sa mga Kapamilya mapa-bago mang teleserye, pelikula, o musika at pati na rin public service! Ang bongga talaga!