Nanay ni Sarah Wurtzbach rumesbak: Hindi ako ganyang klaseng ina, wag n’yo po akong husgahan

SA unang pagkakataon, sinagot na ni Cheryl Alonzo Tyndall ang mga akusasyon ng anak niyang si Sarah Wurtzbach.

Matindi ang mga paratang ng sister ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach laban sa kanilang ina na umabot pa nga sa pagtawag niya rito ng “animal.”

Balitang nagkabati na sina Pia at Sarah pero mukhang walang balak makipag-ayos si Sarah sa kanyang nanay matapos ang mga bago niyang pasabog sa kanyang Instagram Stories.

“She solicited me when I was younger in exchange for money, then I got gang raped and then raped again for the second time, and she told me, I deserved it,” ayon kay Sarah.

Sa tanong na, “Do you have any happy memories with your mom?” ito ang sagot ng kapatid ni Pia, “Mmmm, right now, no. I have pure hatred towards that animal.”

Sa video naman na ipinost ni Cheryl sa kanyang YouTube channel na may title na “SAGOT NAMIN SA MGA AKUSASYON!!!” nakiusap siya na huwag husgahan ang pagiging ina niya.

Kasama niya sa vlog ang asawang si Nigel Tyndall at dito nga niya inihayag ang posibleng pinanggagalingan ng galit ni Sarah.

Sina Pia at Sarah ay mga anak ni Cheryl sa una niyang asawang  German, si Uwe  Wurtzbach na pumanaw noong 2014.

Bago magsalita si Cheryl, nagbigay muna ng mensahe si Nigel. Aniya, galit na galit siya sa mga pinagsasabi ni Sarah laban sa kanyang ina.

“It took a lot of times to think back over years of all the wrongs and bad things that [were] done to us, and Cheryl, after we helped her,” aniya.

Pagkatapos magsalita ni Nigel, sinimulan na nga ni Cheryl ang pagkukuwento tungkol sa naging buhay nila ng mga anak noong nakatira pa sila sa Pasig City.

Aniya, hindi biro ang pinagdaanan niya noon bilang single parent sa dalawang anak na babae, “As a single mom po, napakahirap alagaan ng dalawang batang babae na mestiza. Talagang binabantayan ko po ang mga anak ko.

“Kasi po, alam n’yo, after six years na wala kaming anak ng aking first husband dahil ayaw naman niyang magkaanak, talagang pinilit kong magkaanak,” aniya pa.

“Gagawin ko ba naman ‘yan sa mga anak ko? Hindi po, hindi po ako ganyang tao, hindi po ako ganyang ina. Huwag niyo po akong husgahan kasi talaga pong inalagaan ko iyong aking mga anak,” bahagi pa ng depensa ni Cheryl sa mga akusasyon ng anak.

Naikuwento rin ni Cheryl ang naging buhay ni Sarah noong bata pa ito pero sumusumpa siya na ginawa niya ang lahat para maprotektahan ang mga anak. Wala raw siyang kaalam-alam na may matinding pinagdaraanan si Sarah dahil hindi nga ito nagsasabi sa kanya.

Sabi pa ni Cheryl, alam niyang mahal pa rin siya ni Sarah at baka raw dumadaan lamang ito sa postpartum depression kaya masyadong nagiging emosyonal.

“I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me. I still believe that.

“I always think maybe it’s postpartum. I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal,” sabi pa ng nanay nina Pia at Sarah.

Read more...