Hugot ni Vice: Namatay ako for a time pero ngayon nabuhay ulit

FEELING ng mga host ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” ay muli silang nabuhay matapos “patayin” nang ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN.

Nag-celebrate kahapon ang show ng kanilang 11th anniversary kung saan nagpasalamat ang buong production sa pangunguna ni Vice Ganda sa madlang pipol na hindi bumitiw sa pagsuporta sa kanila mula noon hanggang ngayon.

Maraming viewers ang pinaiyak ng ipinalabas na video bago magsimula ang programa sa kanilang anniversary celebration. Ipinakita rito kung gaano kasaya ang mga manonood nang muling nagbalik sa free TV ang “Showtime.”

Nagbigay rin ng mensahe ang mga host sa kanilang loyal viewers  kasabay ng pagbabahagi ng kanilang pinagdaanan noong kasagsagan ng pandemya at ng pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN.

“Hindi maganda iyong pakiramdam ko nu’ng mga pagkakataon na iyon. Pinipilit kong tumawa pero durog na durog iyong puso ko,” lahad ni Vice Ganda.

Dagdag pa ng TV host-comedian, “Namatay ako for a time pero ngayon nabuhay ulit ako. At iyong buhay ko ngayon ay punong-puno ng pag-asa.”

Bukod sa cable at digital platforms ng Kapamilya Network, napapanood na rin ang “It’s Showtime” at iba pang show ng ABS-CBN sa A2Z free TV.

“Better days are starting to come. Ang sarap kasi buhay na buhay nanaman kami. Buhay ng gulong ay umiikot. Galing tayo doon (sa ibaba) eh, kaya maraming magandang mangyayari,” pahabol pa ni Vice.

* * *

Samantala, trending din ang “Magpasikat” ng “Showtime” sa social media. Ang theme nila this year ay kung paano binago ng COVID-19 pandemic ang buhay ng mga Pinoy.

Nagmarka sa madlang pipol ang performance nina Vice Ganda at Kim Chiu na piniling ibandera ang mga iba’t ibang uri ng paghihirap at sakripisyo sa panahon ng pandemya.

Ang nais ipahiwatig nina Vice at Kim sa lahat, “You are OK. It’s OK to feel that grief right now. It’s a phase na kailangan natin harapin. Hindi puwedeng talikuran. There is nothing wrong with you.”

“But always remember hope is part of your grief, so please just let it end and don’t push that hope away. Because better days will be coming for you.”

Read more...