Maingat na ako ngayon sa mga scammer at manggagamit

BATA pa lang ay talagang natutunan na ni Megastar Sharon Cuneta ang tumulong at magbigay sa mga nangangailangan.

Salamat sa mga magulang niya na nagturo sa kanya kung paano makisimpatya sa mga taong walang-wala sa buhay at maghanap na paraan para matulungan sila sa abot ng kanyang makakaya.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Mega ang isang black and white photo na kuha raw noong batang-bata pa siya. Natatandaan niya na sa murang edad ay alam na niya ang kahalagahan ng pagtulong.

“OMG! Someone had and found a picture! I did this all the time when I was little.

“My Mom would be giving away relief goods in Pasay where my Daddy was Mayor for decades—and anything else to people everywhere else kahit di naman sila mga botante ng Daddy ko—and I followed her example,” bahagi ng caption ng singer-actress.

Patuloy pa niya, “I would save part of my allowance for my own little piggy bank, but more often than not, my savings would go to buying out candies at pag naubusan na, pati kropek – from Sari-Sari stores and had my own pila of kids to give all my candies to!”

Isa pa raw sa maaga niyang natutunan at isinasabuhay hanggang ngayon ay ang kasabihang, “It is better to give than to receive.”

Aniya, “Isang interpretation doon, ‘Mabuti na yung ikaw ang may nabibigay kesa ikaw ang nanghihingi.’

“Pero ang mas tumatak sa puso ko, ‘There is no better feeling in the world than to give to someone who you know can never pay you back,’” esplika pa ng movie icon.

Mensahe pa ni Shawie, “Maingat na ako sa mga scammer o manggagamit at nananamantala lang, pero iba ang feeling ng nakakatulong ka sa kapwa na walang puhunan kundi puso. Walang kapantay.

“Ang dasal ko nga, huwag sana dumating ang araw na may nangangailangan talaga lalo kung mahal ko tapos wala akong maibigay,” lahad pa niya.

Sa huli ay pinasalamatan niya ang mga magulang sa maayos na pagpapalaki sa kanya, at hanggang ngayon ay baon-baon pa rin niya ang mga life lesson na itinuro sa kanya ng kanyang parents.

“I am grateful to my Mommy and Daddy for teaching me how to be giving and empathetic by example and not just through words. I hope my children are learning the same in the same way too,” sabi pa ng Megastar.

Read more...