Base sa resolution no. 855 year 2020, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang pagdedeklara ng state of calamity.
Ilang lungsod at munisipalidad kasi ang binaha bunsod ng bagyo.
Maliban dito, naapektuhan din energy, agricultural, fishing at poultry sector at maging ang mga kalsada at suplay ng kuryente sa nasabing probinsya.
Sa pamamagitan ng deklarasyon, magagamit ang calamity funds para sa mabilis na ayuda sa mga naapektuhang pamilya.
MOST READ
LATEST STORIES