SRP sa karneng baboy itinaas ng DA sa P260 hanggang P280 kada kilo

Itinaas ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price para sa karneng baboy.

Mula sa dating P230 ay ginawang P260 na ang SRP sa kada kilo ng kasim.

Mula naman sa P250 ay ginawang P280 na ang SRP sa kada kilo ng liempo.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, sinabi nitong sadyang kulang ang suplay ng karne ng baboy sa Metro Manila.

Payo naman ng DA sa mga mamimili na isumbong ang mga nagbebenta ng baboy ng P300 pataas ang kada kilo.

Read more...