Tekla umamin na: Never kong sinaktan si Michelle, ako ang binubugbog…

“NEVER ko siyang sinaktan, ako ang binubugbog!”

Yan ang isang pasabog na pag-amin ni Super Tekla sa halos anim na taon nilang pagsasama ng dating ka-live in na si Michelle Bana-ag.

Ayon sa Kapuso TV host-comedian, siya ang sinasaktan ni Michelle sa tuwing magagalit ito sa kanya at never daw niya itong pinatulan nang pisikalan.

Nagkuwento si Tekla sa chikahan nila ng talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz tungkol sa naging buhay nila ni Michelle bilang live-in partners na nagbunga nga ng isang sanggol — si Baby Angelo.

Sumusumpa si Tekla na hindi niya sinaktan o binugbog kahit kailan si Michelle pero inamin niyang nakakapagsalita siya nang hindi maganda kapag nagtatalo sila.

Sa katunayan, siya raw ang laging sinasaktan ni Michelle at sa loob ng limang taon tiniis niya ito dahil mahal na mahal niya ang ina ng kanyang bunsong anak.

Nagdesisyon ang dating lovers na maghiwalay na pagkatapos ng iskandalong kinasangkutan nila na talagang pinagpiyestahan ng publiko. Nagkasundo silang kalimutan na ang nangyari para na lang sa anak nila.

Ayon kay Tekla, talagang hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa kanila ni Michelle. May pagbabanta na raw sa kanya noon pa pero never niyang naisip na hahantong sa ganito ang lahat.

“A night before pumutok ang isyu na ‘yan, nakarating na sa akin ‘yan na ganu’ng plan nila. Plan na nila pero hindi ko siya sineryoso.

“Wala sa isip ko na gagawin nila. Kasi unang-una, wala akong naisip na dahilan [para gawin nila]. Nandun pa rin ‘yung trust ko. Kumbaga, nandu’n pa din ‘yung tiwala na hindi gagawin sa akin ‘yun,” ani Tekla.

“Nagla-live pa rin ako sa labas, nag-e-entertain ng tao without knowing na may plan na sa likod ko. May isang nagmamalasakit na friend na nabasa ko sa comments section sa live ko na winawarningan ako na ‘O baka mapahamak ka,’ so hindi ko pa nga pinasanin, eh.

“Then huminto ‘yung friend ko na ‘yun. Ini-screenshot niya lahat ng posts ni partner para i-send sa akin. And then nu’ng nabasa ko, nag-explode na ako. Sumabog na ako, nagalit na ako. Sa galit ko, kinompronta ko sila,” sabi pa ng “The Boobay And Tekla Show” host.

Pero mariin ngang pinabulaanan ng komedyante na sinasaktan o inaabuso niya si Michelle, “Siya ang nananakit. Dyusko! Kung bibilangin ko ang scars sa ulo ko, sa katawan ko, lahat ‘yan, for five years.

“May isang beses nangyari sa buhay namin ni Michelle, sila rin ng kapatid niya, sinugod nila ako. Binugbog nila ako, talagang duguan ako. May gasgas, bukol, ganyan and then nagpa-medical ako.

“Pagpunta ko ng barangay, eto binabalikan ko lang, parang ginawa ko na lang ano, kasi pagdating ko du’n, hindi nila ako in-entertain kasi first time daw nila maka-encounter na ‘yung lalaki ang nagreklamong binugbog,” ayon pa kay Super Tekla.

Sa tanong naman ni Ogie kung may pagkakataon bang nalimas ni Michelle ang pera sa ATM niya, “Maraming beses. Kasi ilang beses niya ginawa sa akin, eh. Pero pera lang ‘yun, eh. Mare-recover ko naman yun.

“Lahat kasi ng akin, personal ko, even the PIN number ng ATM ko, alam ni Michelle. Wala akong tinatago. Kapag natutulog ako, lahat nakabalandra ‘yan. Ayokong isipin niya na pinagtataguan ko siya,” lahad pa ng stand-up comedian.

Tinangka pa raw niyang bigyan ng chance si Michelle at inalok na muli silang magsama para sa kapakanan ni Baby Angelo, pero hindi na kasama ang kapatid at mga pamangkin nito.

Ngunit hindi nga pumayag si Michelle kaya nagkasundo silang pumirma sa kasunduan para sa pagpapalaki sa kanilang anak.

Pag-amin pa ni Tekla, “Sobrang mahal ko si Michelle. Minahal ko nang todo ‘yun.”

Read more...