Blake Shelton, Gwen Stefani engaged na

“@blakeshelton yes please! 💍🙏🏻 ”

Ito ang caption sa picture na ipinost sa Instagram ni Gwen Stefani para ianunsyo ang kanyang engagement kay Blake Shelton nitong Martes.

Makikita sa larawan na hinahalikan ni Blake si Gwen habang ipinakikita niya ang engagement ring.

“I heard a YES!” wika naman ni Blake sa kaparehong photo na nakapost naman sa kanyang Instagram.

“thanks for saving my 2020… And the rest of my life.. I love you,” anang American country singer at television personality.

Nagkasama sina Blake at Gwen sa “The Voice” bilang coach simula noong 2014. At noong sumunod na taon, inihayag na nila ang kanilang relasyon sa publiko.

Sa panahong iyon, nag-collaborate sila sa ilang proyekto. Maraming beses din silang magkasamang nag-perform.

At ang awit ni Blake na “Turnin’ Me On” ay tungkol kay  Gwen, habang ang 2016 naman na kanta ni Stefani na  “Make Me Love You” ay tungkol kay Blake.

Nitong nakaraang linggo, nanalo ang dalawa ng CMT Music Award para sa kanilang collab song na  “Nobody But You.”

Si Gwen ay may tatlong anak sa kanyang ex-husband na si Gavin Rossdale. Nag-divorce sila noong 2016.

Samantala, na-finalize ang legal na paghihiwalay ni Blake at kanyang dating asawang si  Miranda Lambert noong 2015.

Read more...