FDCP humingi ng tulong sa MTRCB para sa mga PPP4 entry na bawal sa bata

DAHIL sa online na mapapanood ang mga pelikulang kasama sa Pista ng pelikulang Pilipino 4 (PPP4) ay walang say ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa censorship.

Ipalalabas mula sa Nob. 20 hanggang Dis. 13 ang mga pelikulang kalahok para sa main feature film through “digital platform.”

Pero humingi pa rin ng tulong sa kanila si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino dahil baka may magpa-register na minors para makapanood ng mga pelikulang may rating na PG13 hanggang R18.

Ito ang isa sa mga ipinaliwanag ni Chairperson Liza sa katatapos lang na zoom conference para sa update ng mga pelikulang kasama sa PPP4 na umabot na mga sa 168.

“We reach out to MTRCB for their guidance also on this kasi siyempre, medyo ambiguous censorship pagdating sa online. We wanna make sure na may measures kaming in place for the classificationfor each film.

“So, magkakaroon kami ng advisory para i-remind ang ating mga audience para sa classifications at ratings ng bawa’t pelikula.

“On our end din, meron kaming mechanism kaya kasama ‘yung date sa ating platform para masiguro na off age ‘yung magsa-sign up.

“At the same time, ‘yung mga films natin na R16 and up will be (shown) on a late night programming hanggang alas-dos ng umaga kapag weekend naman. May mga gustong mag-watch pa-morningan hanggang Sabado,” pahayag pa ni Ms. Liza.

At dahil sa online na nga mapapanood ang lahat ng pelikula ang target subscribers nina Chair Liza ay 10,000 or more.

Pero kung susuwertehin daw, mas magiging masaya sila kapag umabot ng 25,000 ang magsa-subscribe para mas marami nga naman ang makapanood at mas malaki ang kikitain ng PPP4 ngayong taon.

“Pero alam naman natin di ba (panahon ng pandemya) kaya okay na sa 10,000 or more, cross our fingers,” sambit nito.

Read more...