Apo ni Dolphy ibinuking ang pang-aabuso ni Michelle kay Tekla: Abusado ka, kapal ng mukha mo!

Ervin Santiago |October 26,2020
share this

Apo ni Dolphy ibinuking ang pang-aabuso ni Michelle kay Tekla: Abusado ka, kapal ng mukha mo!

Ervin Santiago | October 26,2020 - 10:53 AM

ISA pang kaibigan at kasamahan ni Super Tekla sa comedy bar ang matapang na nagsalita para patunayang hindi masamang tao ang komedyante.

Nag-post ng mahabang mensahe ang singer-actor na si Rowell Quizon sa Facebook para ipamukha sa live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag ang lahat ng ginawa ng Kapuso comedian para sa kanya.

Hindi na raw matiis ni Rowell (na isa nga sa mga apo ng yumaong Comedy King na si Dolphy), ang basta manahimik na lang habang winawasak ni Michelle ang pagkatao ng kanyang kaibigan na matagal niyang nakatrabaho sa mga comedy bar.

Tinawag niyang makapal ang mukha at walang utang na loob si Michelle matapos ireklamo si Tekla ng pang-aabuso.

“Di na ko makapagtimpi sayo makapal mukha mo michelle. nakita ko kung gaano ka minahal ni tekla…TOMBOY ka diba?  Pag may show si tekla kasama mo pa jowa mong babae nilunok ni tekla yung galit maging masaya ka lang.

“Pati tropa ng jowa mo na isang katutak ang inoorder sa bar makapagpasikat ka lang  lahat ng order nyo unli. yung taong nagpeperform abono pa sa tf niya sa laki mg bill ng naorder nyo.

“Kapal ng mukha mo masyado mo mong pinasama si tekla…nakasama ko si tekla sa back stage ng klownz  tumatawag siya sayo tinatanong ka kung anong gusto mong kainin after ng show niya..mahal na mahal ka ni tekla kahit abusado ka,” pahayag pa ni Rowell.

“Napakawalanghiya mo…HINDI NAGKULANG SI TEKLA SAYO O SA INYO. SADAYANG ABUSADO KA LANG.

“Alam mo kung san ka parteng naging bobo michelle? Nag reklamo ka na ikaw mismo ang malaglaglag sa sarili mo. very wrong ka. akala mo naka jackpot na kayo na binigyan kayo ng finacial ng ganun ganun lang. Makapal mukha mo abusado ka michelle, wala kang utang na loob,” ang pagtatanggol pa ng singer kay Tekla.

Sa isa pang Facebook post ni Rowell, ibinahagi niya ang message sa kanya ni Tekla na nagpapasalamat sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang sagot si Michelle. Bukas ang BANDERA sa magiging sagot ng live-in partner ni Tekla sa mga pahayag ng apo ni Mang Dolphy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending