Paulo kay Ivana: Malayo siya sa pino-portray niya sa YouTube, napakasimple niya

Ervin Santiago |October 26,2020
share this

Paulo kay Ivana: Malayo siya sa pino-portray niya sa YouTube, napakasimple niya

Ervin Santiago | October 26,2020 - 10:00 AM

NAE-ENJOY ng Kapamilya drama actor na si Paulo Avelino ang pagiging producer.

Siya ang nag-produce ng “Aswang” episode sa pelikulang “Sitsit”, ang bagong iWant TFC digital twin bill na pinagbibidahan nina Ivana Alawi at Jake Cuenca.

Ang production company din ni Paulo na WASD Films ang nag-co-produce ng “Ngayon Kaya” na pinagbibidahan ng aktor at ni Janine Gutierrez.

Ayon sa aktor, matagal na talaga niyang gustong mag-produce, “I wanted also portfolio for my film production. So parang ito na yung start tapos sila sir Deo (Edrinal) yung tumutulong din naman sa akin and nag-a-advise sa akin.

“Medyo mahirap kasi kapag full time na rin talaga so I’m very thankful for this opportunity that we had for iWant. When we were creating this episode, we were choosing what to start with.

“Then eventually Aswang came up because nandu’n yung aso, nakakatakot din siya. Pero nahihirapan kami humanap ng babae,” pahayag ni Paulo sa ginanap na virtual mediacon para sa “Sitsit.”

Pagpapatuloy ng aktor, “So, nu’ng na-mention ng Dreamscape si Ivana, parang game na agad. Shoot na natin ito bago maging busy sa soap. So inunahan namin yung soap niya.”

Wala rin daw issue sa kanya kung may mga nagbibigay ng suggestion mula sa production, “Actually gusto ko nga yun kasi gusto ko kasi collaborative lahat lagi. Kumbaga ayokong nagkaka problema sa set.

“Kung may problema at least ang dali nilang puwedeng sabihin sa akin. Kung may problema sa script, ang daling sabihin sa akin. Ang daling ayusin lahat. Yun yung gusto kong collaborations.

“Ayoko ng producer ako, respetuhin n’yo ako. Gusto ko parang kaibigan lang talaga yung trato. Tutok ako (bilang producer) pero hindi naman yung sobrang tutok na nape-pressure yung mga tao kasi ayoko rin naman mangyari yun.

“Kumbaga nandu’n pa rin yung freedom nila for their creative expression of the shots, para sa mga artista, and I’m just there to help and see what I can help with,” lahad pa niya.

Nang matanong kung ano ang masasabi niya kay Ivana bilang lead star ng kanyang ipinrodyus niyang pelikula, very safe ang naging sagot ng aktor.

“Parang lahat naman siguro ng lalaki crush si Ivana. At saka na-meet ko pa siya, napakabait. Malayo siya sa pino-portray niya sa YouTube niya or sa photos niya. Parang simple lang siya na medyo tahimik. Matuwain. Pero napakasimple.

“Nu’ng nasa Poblacion (Makati, location ng Aswang), medyo mahirap din for the production nu’n kasi parang lahat gustong magpa-picture, gustong lumapit kay Ivana.

“Tapos hindi naman namin puwedeng ipasara totally yung lugar nu’ng time na yun. By the way this was shot pre-COVID so before everything happened,” aniya pa.

Ang “Aswang” episode sa “Sitsit” ay idinirek ni Erin Pascual habang ang “Scorpio” na pinagbibidahan ni Jake ay sa direksyon ni Ato Bautista.

Mapapanood na ang “Sitsit” sa iWant TFC app (iOs and Android) o sa iwanttfc.com simula sa Oct. 31.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending