Miss Taguig supalpal kina Shamcey at MJ; may paalala sa mga talunan sa Miss U PH 2020

PARA nga kaya kay Miss Taguig Sandra Lemonon ang makahuluhagang hugot ni Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup?

Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang pagrereklamo umano ng ilang kandidata sa naging resulta ng katatapos lang na Miss Universe Philippines (MUP) 2020.

Mukhang may mga umaalma sa pagkapanalo ni Miss Iloilo Rabiya Mateo sa pageant, partikular na nga si Sandra na matapang talagang nag-post ng kanyang saloobin tungkol sa kontrobersya.

May pagbabanta pa siyang binitiwan na ibabandera niya ang katotohanan sa tamang panahon at kailangang makamit nila ang hustisya.

“The truth always comes out. It’s just about timing. Karma is real. soon Because we deserve justice.

“Thank you so much! I actually cried that day because of many things I will update soon.

“Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts. Coffee time soon.

Because we deserve justice,” ang sunud-sunod na post ni Sandra sa kanyang Instagram Stories.

Ilang oras matapos ito, nag-post naman sa kanyang Instagram account si Shamcey kung saan pinaalalahanan niya ang mga kandidata na tanggapin nang maluwag sa kanilang puso ang kanilang pagkatalo.

“To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility — these are the marks of a true QUEEN,” pahayag ni Miss Universe 2011 third runner-up.

Bukod kay Shamcey, may panawagan din si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa sa mga talunang Miss Universe Philippines 2020 candidates.

Tweet ni MJ, “BBP2012 taught me my greatest pageant lesson in life.

“A true queen is someone who can accept defeat and rise above it. A crown doesn’t define us, we define it.

“This is not the end but only the beginning for our #MissUniversePhilippines girls. Congratulations everyone.”

“We will be supporting supporting you in the @MissUniverse stage as you raise our [Philippine flag] #Miss Universe Philippines,” pahayag pa ni MJ na tatlong beses ding sumali sa Binibining Pilipinas noon.

Siya ang second runner-up noong 2011, pumasok siya sa Top 12 taong 2012, at kinoronahan ngang Miss Universe Philippines noong 2014.

Pumasok sa Top 16 finalists si Sandra at nakarampa pa sa Evening Gown and Swimsuit competition ngunit hindi na siya nakaabot sa Top 5.

Nag-join na rin si Sandra sa Binibing Pilipinas noong 2018 at naging kontrobersyal pa nang amining hindi niya siya aware Build, Build, Build program ng gobyerno sa Q&A portion.

Read more...