Mahigit 2,000 ang panibagong kaso ng 2019 coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Sabado (October 24), umabot na sa 367,819 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 47,773 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,057 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
May kabuuang 83.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.4 porsyento ang asymptomatic; 1.8 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 19 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,934 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 442 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 313,112 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.