Ngayong buwan pala planong magpakasal nina Alex Gonzaga at ng fiancé nito na si Mikee Morada kung hindi sila nagkaroon ng Covid-19.
Umiiyak si Alex at sadyang ini-record niya lahat ng napagdaanan niya lalo’t nasira ang mga plano niya ngayong Oktubre kaya’y kakausapin niya si Lord.
“Ta-try kong kausapin ngayon si Lord, kasi sobrang nasira ang plan ko ngayong October. Gusto kong ikasal ngayon kasama ‘yung family, konting friends (sabay punas ng tissue ang mga mata). Pero dahil sa walang kakuwenta-kuwentang bagay nagkacoon kami ng Covid.
“So kailangan baguhin lahat ng plan ko. Tapos may show ako dapat, new show. Kasama ako dapat sa new show na noontime, hindi rin ako naka-attend (live show). So malamang for the next two weeks, dito lang ako sa bahay.
“Gusto ko ikasal, pero hindi ka naman puwede. Gusto ko ikasal pero ganito ang nangyari, so parang hindi ko alam kung itutuloy ko pa o hindi,” pagtatapat ng dalaga.
“Three days from my quarantine and I started to realize that we’ve really got Covid and all our family plans and life milestone will be delayed,” kwento ni Alex.
At sa day 5 of quarantine ay ikinuwento ng dalaga kung paano sila nagkaroon ng Covid-19.
“This week, nagkaroon kami ng Covid-19 outbreak dahil may lumabas dahil nag-crave ng pagkain. Pagbalik dito, ‘yun na (may dalang virus),” wika ni Alex.
“Masama ‘yung loob ko nu’ng time na ‘yun kasi marami kang plano, marami kang gustong gawin, may bago akong show na pinirmahan hindi ako makakapasok at the same time, meron akong gustong gawing milestone (kasal) sa buhay ko na made-delay and birthday ni Xevi (anak nina Toni Gonzaga at Paul Soriano) na hindi nangyari kaya sobra kong iniyak.
“Sobra na akong nag-question sa lahat, inisip ko na hindi naman ako ang nagdala ng Covid dito pero parang bakit ako ‘yung sobrang affected and I talk to Mikee, ayaw ni Mikee na umiiyak ako ng ganu’n. Of course we’re still blessed na hindi naman ganu’n kalala ‘yung nangyari sa amin. Our symptoms are manageable, so far in Jesus name.
“Kaya walang labasan ng kuwarto. Once ka lang magtanggal ng mask, marami kang maapektuhan. When you know that you have Covid, you need to take a lot of rest, drink lot of fluids, vitamin C with Zinc,” kuwento ng dalaga.
At inisa-isa niya kung paano nilabanan ng kanilang pamilya ang nakamamatay na sakit. Bawa’t kuwarto nila ay naglagay sila ng plastic cover at ang naga-asikaso sa kanila ay naka-PPE.
As expected, kahit maysakit si Alex ay nagpapatawa pa rin kaya kung seryoso mo siyang panoorin sa kuwento niya ay bigla kang hahalakhak sa mga kalokohan niya.
Mas magandang panoorin ang kabuuan ng vlog ni Alex dahil marami pa siyang bilin para ma-survive ang Covid-19.
Samantala, ngayong araw, Oktubre 24 lang pinost ni Alex sa kanyang YouTube channel na nag-positive sila sa Covid-19 ng kanyang ay kulang 500k views na kaagad ang “My Covid Journey” episode.
Paano nga ba nahawa ng Covid sina Alex?
“Nakuha namin (virus) out of pagkain sa labas. Nagyaya siya nawala lang siya ng ilang hours pagbalik niya siguro do’n niya nakuha ‘yung Covid. Ang una pong nahawa sa amin which thank God she is very asymptomatic, is my mom. Ang mga naapektuhan po ay kami, ako, sina mommy’t daddy and of course si Mikee (Morada-boyfriend) at si Sophie (personal assistant). Si Sophie nahawa dahil sa akin.”