Global death toll bunsod ng COVID-19, halos 1.15 milyon na

 

Dinadala ng mga medical personnel sa isang refrigerated truck ang isang pasyeteng namatasy sa Covid-19 sa Brooklyn Hospital Center sa New York City. (AFP File Photo)

Pumalo na sa mahigit 1.15 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,149,229 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 229,284.

Sumunod na rito ang Brazil na may 156,528 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 117,992 naman ang death toll sa India habang 88,312 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:

– United Kingdom – 44,571

– Italy – 37,059

– Spain – 34,752

– France – 34,508

– Peru – 34,033

– Iran – 31,985

– Colombia – 29,802

– Argentina – 28,338

– Russia – 25,525

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 42,489,905 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 31,427,020 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...