Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 22,056 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Sabado ng umaga (October 24).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng Quezon City Epidemiology and Surveillance at district health offices.
Samantala, nasa 1,285 o katumbas ng anim porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
May bilang na 20,146 o 91 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 625 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,246 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES