Cassy nasuka nang bumili ng branded na sapatos: Na-stress ako, hindi ko talaga kaya!
KUNG may isang mahalagang life lesson na natutunan sa kanilang mga magulang ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, yan ay ang pagiging masinop sa pera.
In fairness, bata pa lang ang magkapatid ay malaki na ang kinikita nila sa pagiging endorsers kaya siguradong secured na ang kanilang future pati na ng magiging pamilya nila.
Sa panayam ng GMA sa mga anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, sinabi ng kambal na nagmarka sa kanila ang mga payo ng magulang tungkol sa paggastos at pag-iipon habang kumikita sila ng sarili nilang pera.
Sey ni Cassy, wala raw talaga siyang hilig bumili ng mga branded stuff, “Hindi ako ma-splurge o ma-designer brands.
“Kasi, I don’t know, I’m a super-super saver, so I share shoes with my mom, I share bags with my mom.
“Why would I buy mayroon naman branded si mommy. Yeah, borrow, borrow na lang,” aniya.
Natatawa pang chika ng Kapuso star, “Actually, nagalit si Mommy sa akin kasi hindi ako nag-i-splurge, as in sira-sira na ‘yung shoes ko, as in ‘yung mga pang-taping ko na flats and heels sirang-sira.
“But I still don’t want to buy. I don’t know why? Kaya sabi ni mommy na, ‘Okay, look, you are earning a lot, so it’s okay to spend.’
“Hindi naman ‘yung okay mag-shopping tayo every day, tipong you would invest every now and then.
“So, I bought heels, after I bought it nasuka ako kasi na-stress ako. Ha-hahaha! Hindi ko talaga kaya,” tawa nang tawang kuwento ni Cassy.
Ayon naman kay Mavy, wala siyang nakikitang masama sa pagbili ng mamahaling bagay para sa sarili lalo pa’t pinagpaguran mo naman ang perang gagastusin mo.
“When I was making money na out of my own work, siyempre save muna. But there are times na talaga you feel na you need to reward yourself kumbaga.
“I really get feeling talaga na oh sige ah you reward yourself pero it gives you that push to work pa you know what I mean,” sey ng binata.
Hirit pa ni Mavy, “’Uy parang paubos na ‘yung pera sa account ko ah, trabaho ulit’. So ganu’n lang, basta make sure na nakakapag-save ka pa rin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.