BANDERA “One on One”: Gerald Anderson

by Dinno Erece, Showbiz Correspondent

NOT just the next in line, isa na si Gerald Anderson sa mga top leading men of ABS-CBN and Star Magic at maihahanay na siya kina Piolo Pascual, Sam Milby and Jericho Rosales. He has a big advantage of course, he just turned 21 yesterday so he has so many years ahead pa to reign.
Proof of his viability and bankability is his number of endorsements, the most by any celebrity. He has starred in several hit ABS primetime shows like Tayong Dalawa and is now paired again with Kim Chiu sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

BANDERA (B): Makikiulit kami ng tanong sa iyo earlier that with so many achievements at this age and still being as humble as you are, is it hard to be humble?
GERALD ANDERSON (GA): Ayokong ipasok sa ulo ko ang mga nakukuha ko ngayon. I’m thankful for all the blessings but I know I still have a lot to learn.

B: May regalo na ba sa iyo si Kim for your birthday?
GA: Yes, Louis Vuitton na travelling bag and gold cart. Tsaka siya yung nag-organize ng birthday party ko. Sobrang effort nga ni Kim, e, talagang nag-spend siya ng time para lang du’n. And I really appreciate it.

B: Katatapos pa lang ng bahay mo and also your mother’s, baka appliance na naman?
GA: Siguro, I don’t ask kasi.

B: Kamusta na kayo ni Kim? At your age dapat definitive na ang love life mo or at least definite na.
GA: Wala pa rin. Wala na kasi akong oras diyan. Hindi ko pa nga nakikita ang kama ko sa kuwarto ko sa dami ng trabaho. Now bukod sa KTM, may show pa ako na bago, a mini-series. Hindi pa kasi puwedeng sabihin.

B: Is it the Your Song with the PBB housemates?
GA: Ay nasabi na ba? Yes.

B: Hindi mo ulit ka-partner si Kim just like in Tiagong Akyat.
GA: Wala rin akong partner rito.

B: Napapansin namin, pang-primetime lang kayo ni Kim pero sa ibang projects like mini-series or sa movies, hindi kayo ni Kim ang pinagpa-partner.
GA: Nagkakataon lang siguro pero yes, pang-primetime shows nga, kami ang partners pero sa iba, we can go solo. Pero ang last movie namin, kami ang magka-partner.

B: Hindi pa rin naman siguro kayo paghihiwalayin kahit sa primetime soaps man lang. Whatever happened to the Sarah Geronimo project? Hindi na ito natuloy `no? Umangal nga kasi agad ang Kimerald.
GA: Ano kasi, plano pa lang yun noon tapos nalaman agad ng mga fans namin. Of course hindi nila talaga ito magugustuhan kasi nga mga fans namin sila. Pati ang mga fans ni Kim ayaw. Pero yung ibang projects naman namin okay lang sa kanila like sa Tiagong Akyat okay sa kanila si Erich (Gonzales) na partner ko and also Maxine (Eigenmann). Siguro kasi matagal silang naghintay ng movie namin tapos ang narinig nila, kami muna ni Sarah so hindi nila nagustuhan.

B: Di nagagalit din ang mga fans niyo kapag may ibang nali-link sa inyo? Ang latest, si Jennylyn Mercado.
GA: Wala talaga yun. Magka-village kami ni Jennylyn tapos nagba-bike siya, napahinto sa amin, yun lang yun.

B: Lumaki ang balita, sabi may nakakita raw na lumabas sa bahay n’yo si Jennylyn?
GA: Hindi, walang ganoon.

B: But do you know na magka-village kayo? Na-introduce na ba kayo sa isa’t isa?
GA: Ganito yun, nagba-bike si Jennylyn kasama niya yung yaya. Napahinto sila sa harap ng bahay ko. Sabi ng yaya niya, doon nga raw ako nakatira. Tapos lumabas ako, nagpa-picture sa akin yung yaya niya kaya kami nagkakilala.

B: Yung yaya pala ang may kasalanan?
GA: Ha-hahaha! Hindi naman.

B: What’s next for Gerald?
GA: May Heartthrobs tour kami sa US this Holy Week. Makakapagpahinga nga kami sa taping pero trabaho pa rin. Pero okay lang work pa rin yun. Kasi gusto ko naman this time mag put up na ng business.

B: That’s good, what kind of business?
GA: Wala pa, pinag-iisipan ko pa lang. Katatapos lang kasi ng bahay ko at ng sa mother ko so ngayon naman, business ang gusto kong pasukin.

B: How do you maintain your fresh looks?
GA: You know what, hindi talaga ako vain at all.  Sometimes nga, nagagalit sila sa akin (handler and friends) dahil kahit anong gusto kong suot, kahit anong hair ko, okay na ‘yan sa akin. But I can assure you na malinis akong tao.  Gusto ko palagi akong malinis. Mahilig din akong maligo. Soap, water, shampoo, ganu’n lang. But sometimes, I just take a quick bath dahil minsan late na ako nagigising dahil puyat. Ganu’n lang, simple lang.

B: Maganda ang katawan mo, paano mo ‘yan name-maintain?
GA: Siguro nakikita ninyo, marami akong ginagawa like basketball, jogging, gym.  Konting kain pero mas ano ako sa cardio. Gusto ko talaga mas physical ang ginagawa ko, so ‘ayun, and I always play basketball.

Bandera Entertainment, 031510

Naaliw ka ba sa interview kay
Gerald? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802 at 0906-2469-969.

Read more...