Mula sa 13 porsyento, itataas na sa 30 porsyento ang maximum passenger capacity ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, simula sa Lunes (October 19), 124 pasahero na ang papayagang makasakay kada train car at 372 pasahero sa kasa train set.
Ito ay matapos ipag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa DOTr railways sector na dagdagan ang passenger capacity upang dumami pa ang maa-accommodate na commuter.
Alinsunod ito sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang Gabinete na aprubahan ang mga rekomendasyon ng Economic Development Council para sa economic recovery.
“In addition to increasing our train capacity, our passengers can also expect more trains to be deployed along the mainline, shorter waiting time, and faster travel time. This is part of DOTr and MRT-3’s commitment to provide a more efficient and improved service to our passengers,” pahayag ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati.
“The increase in train capacity is a timely boost for the MRT-3, as the public demands higher number of public transportation in the midst of the COVID-19 pandemic,” dagdag pa nito.
Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na patuloy pa rin ang istriktong pagpapatupad ng health and safety protocols.
Samantala, upang mapabilis ang biyahe, patuloy ang pagtatrabaho ng MRT-3 para sa deployment ng iba pang train sets.
Matatandaang nakapag-deploy ang MRT-3 ng 22 train sets noong September 21, 2020,
Tumaas na rin sa 40 kilometers per hour ang train speed simula noong October 1, 2020 matapos ang installation ng bagong long-welded rails (LWRs) sa lahat ng MRT-3 stations.