Trulili kaya na ang pagbabago ng management nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang dahilan kung bakit tinanggal na rin sila sa teleseryeng “Bagong Umaga” na dating “Cara Y Cruz”?
Ito ang tsikang nakarating sa amin na hindi na kabilang sa Star Magic ang mag-dyowa tulad ni Julia Barretto na lumipat na sa Viva Artist Agency kaya tinanggal.
Base sa kuwento ni Julia noong solo interview niya sa media via Zoom ay inilahad niya na ang sabi raw ng management ay pawang Star Magic artists ang bibida sa “Bagong Umaga” teleserye at naintindihan daw niya iyon bilang nagbago siya ng talent management.
Kaya sina Ronnie at Loisa ay ganito rin ang nangyari. Bale ba may nakausap kaming talent manager din na nagpadala ng feelers si Ronnie sa kanila at pinag meetingan ito kasama ng partners niya kung tatanggapin nila ang aktor.
At nang babalikan na nila si Ronnie ay nagsabing nakakuha na siya ng manager kasama si Loisa.
Well, baka nga hindi meant to be ang “Bagong Umaga” kina Julia, Loisa at Ronnie dahil sabi nga ng ng business unit head ng programa na si Ms Riza Ebriega, “Baka this is the right casting sa napagdesisyunan.”
Ang binabanggit na right casting ay sina Tony Labrusca, Kiko Estrada, Yves Flores, Michelle Vito, Barbie Imperial at Heaven Peralejo na pumalit sa role ni Julia.
* * * * * *
Sa pagkakapanalo ni Arjo Atayde bilang Best Actor in a Lead Role sa Asian Academy Creative Awards 2020 National winner para sa iWant Original series na Bagman ay aminado siyang muntikan na niyang i-give up ang karera niya dahil sa hindi magandang nangyari sa unang pitong buwan ng 2020. Pero dahil sa award na natanggap niya ngayong Oktubre ay isa itong senyales na dapat niyang ituloy.
Base sa post ng aktor sa kanyang Facebook page, “Considering everything that has gone on this year, I was honestly close to giving up this craft I’m passionate about. But I’m taking this as a sign that things happen for a reason and what’s meant to be will be.
“This recognition is mine as much as it is of all the people who made this possible.
“Sir Deo @montie08 thank you so much for the undying guidance and patience. To the @dreamscapeph family, thank you for always giving me all these amazing characters, I sincerely appreciate all the opportunities you have given me.
“To my @reinentertainment family, thank you for thinking of me for this role and beyond that, for the friendship and the laughter despite how stressful things would be at times. And ultimately, to my friend and my director @shugopraico, this is your vision, I hopped in on it and it gave us this! Maraming maraming salamat sayo… sa inyo.
“To the Asian Academy Creative Awards thank you so much for this recognition. It is truly such an honor and I am beyond grateful. This means so much more to me than you I probably let on.
“To all those who have not seen ‘Bagman,’ guys, it’s not too late to learn about reality today. ‘Bagman’ and ‘Bagman’ New Season on @iwanttfc! Stay safe, everyone!”
At sa darating na AACA Grand Awards and Gala Final sa Disyembre sa Singapore bilang representante ng Pilipinas ay umaasa ang lahat na makakadalo sa awards night para i-uwi ni Arjo ang tropeo.