Niyanig ng 5.4 magnitude na lindol ang malaking bahagi ng Luzon kaninang 4:06 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Nagmula ang lindol sa ilalim ng dagat, may 23 kilometro sa timog-kanluran ng bayan ng Looc sa Occidental Mindoro.
Walang napaulat na pinsala o nasaktan sa pagyanig na na may lalim na 33 kilometro.
Naramdaman ito sa mga sumusunod na lugar:
Reported intensities
Intensity IV – Abra de Ilog, Occidental Mindoro; Tagaytay City
Intensity III – Mamburao, Occidental Mindoro;Muntinlupa City;Makati City; Quezon City
Intensity II – Marikina City; Malabon City; Meycauayan City, Bulacan; Floridablanca, Pampanga
Instrumental Intensities
Intensity IV – Calatagan, Batangas; Tagaytay City
Intensity III – Talisay, Batangas; Carmona, Cavite; Marilao, Bulacan
Intensity II – Puerto Galera, Oriental Mindoro; Bacoor City, Cavite; Muntinlupa City; Las Pinas City; Marikina City; Quezon City; Plaridel, Malolos City, Calumpit
and San Rafael, Bulacan;
Intensity I – Mauban, Gumaca, and Lopez, Quezon; Cabanatuan City; Palayan City
Ang Pilipinas ay nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire, kung saan ang mga continental plates ay nagbabanggaan na siyang lumilikha ng madalas na pagyanig at pag-aalburuto ng bulkan.