15 natsugi sa ‘The Clash Season 3’ reresbak para sa ‘One More Clash’

PATULOY ang pamamayagpag sa ratings game pati na rin sa social media ng weekly reality talent show na “The Clash Season 3” sa GMA 7.

Ibig sabihin, gustung-gusto pa rin ng mga manonood ang mga biritan at paistaran sa mga singing contest, lalo pa’t halos sa TV na lang nakatutok ngayon ang maraming Pinoy dahil sa pandemya.

Last Saturday, base sa datos ng AGB NUTAM, nakakuha ng 18.8% rating ang “The Clash” habang 20.4% naman noong Linggo. In fairness, talagang tinutukan ng Kapuso viewers ang first four episodes ng show at super active rin ang netizens sa pagpo-post ng kanilang comments sa bawat performance ng mga Clashers.

At ngayong Sabado para sa round one ng “Laban kung Laban”, sasalang na ang last batch ng Clashers para makasungkit ng pwesto sa Top of the Clash.

Stepping on the Clash Arena tomorrow night are the last six Clashers out of the initial 30, at sila ay sina Aeron Mendoza from Caloocan, Kevin Posadas from Quezon City.

Magbabakbakan din sina Kyle Pasajol from San Juan, Monique Delos Santos from Cebu, Niña Holmes from Marikina, and Sheemee Buenaobra from Caloocan.

Samantala, isa sa mga komentong nabasa namin mula sa mga Clash addict, sana raw ay pabalikin din ang mga unang natanggal na contestants para sa isang resbakan round dahil gusto uli nilang makita on stage ang impersonator ni Angel Locsin na si Jenny Gabriel na unang-unang natanggal sa laban. Nais din daw nilang mabigyan uli ng chance na makabalik sa “The Clash” stage ang dating kasamahan nina Julie Anne San Jose at Rita Daniela sa grupong Sugarpop na si Cholo Bismonte.

Well, sa Sunday episode naman ng show, after the “Laban kung Laban” round at matapos mapili ang Top of the Clash 15 contenders, magbabalik on stage ang 15 non-winning Clashers.

Iyan na nga ang Season 3 first ever twist, ang “One More Clash.” Dito, ang mga “Comeback Clashers” ay sasabak sa back-to-back-to-back battles.

The Clash panel (Lani Misalucha, Christian Bautista and Ai Ai delas Alas) will determine who gets a second chance to become part of the Top of the Clash where five more seats are up for grabs.
Kasama pa rin ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, together with Journey Hosts Ken Chan and Rita Daniela, mapapanood pa rin ang “The Clash” after “Pepito Manaloto” every Saturday and Sunday after “Daig Kayo ng Lola Ko” sa GMA 7 lang.

Read more...