Arjo lalaban sa pagka-best actor sa 2020 Asian Academy Creative Awards

NANG ipalabas na ang unang season ng iWant original series na “Bagman” ni Arjo Atayde ay iisa ang sinabi ng lahat — siguradong makakakuha ng best actor award ang aktor.

Halos lahat ng nakapanood ay nagsabing napakahusay ng ipinakitang pagganap ni Arjo sa serye bilang si Benjo Malaya na isang barbero (na sa ikalawang season ay naging gobernador na).

Nabulaga kaagad ang aktor dahil siya ang napiling representative ng Pilipinas sa December’s Grand Awards and Gala Final sa katergoryang Best Actor in a Lead Role sa Asian Academy Creative Awards 2020 para nga sa sa “Bagman.”

Makakatunggali ni Arjo sina Luo Jin (China) para sa Royal Nirvana, 2019 Chinese television series based on the novel of the same name by Xue Man Liang Yuan Jetsen Huashi Wangju Cultural Media Youku; Anthony Wong (Hongkong), The Republic ng HK Television Entertainment Company Viu TV; Manoj Bajpayee (India), The Family Man, D2R Films Amazon Prime Originals;
Miller Khan (Indonesia), Assalamualaikum Calon Imam Viu Indonesia; Bront Palarae (Malaysia), The Bridge Season 2 Vuclip Malaysia and Double Vision at Kha Ra (Myanmar), Spirit of Fight Season 2 Canal and Myanmar Production.

Ang “Bagman” season 1 ay umabot sa 12 episodes na idinirek ni Shugo Praico at isinulat nina Philip King at Lino Cayeno handog ng Dreamscape Entertainment at Rein Entertainment.

Maraming karakter na ang ginampanan ni Arjo sa mga TV series na nilabasan niya simula nu’ng nagsimula siya sa showbiz.

Sa “FPJ’s Ang Probinsyano” umingay nang husto ang pangalan ni Arjo bilang si Joaquin Tuazon na kinamuhian ng lahat bilang kontrabida ni Coco Martin as Cardo Dalisay. Sinundan ito ng “The General’s Daughter” kung saan minahal naman siya ng manonood bilang si Elai na may autism.

Nagmarka rin siya sa mga seryeng “E-Boy”, “Dugong Buhay”, “Pure Love” at “Hanggang Saan” kung saan bakasama niya ang inang si Sylvia Sanchez.

Markado rin ang mga karakter na ginampanan ni Arjo sa ilang beses niyang paglabas sa “Maalaala Mo Kaya” tulad ng “Bangka” episode (2012), “Tsubibo” (2013), “Dos por Dos” (2014), “Liham” (2014), “Pictures” (2015), at “Itlog” (2016).

Kaya sa December’s Grand Awards and Gala Final ng Asian Academy Creative Awards 2020 ay naniniwala kaming malakas ang laban niya sa pagka-best actor.

Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hiningan namin ng reaksyon ang aktor pero hindi pa kami sinasagot dahil kasalukuyang nasa meeting siya.

Read more...