Kathryn shocked kay Lee Min-ho; nangakong lalaban hanggang makabangon ang ABS-CBN

NA-SHOCK ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo nang malamang makakasama niya sa isang project ang Korean superstar na si Lee Min-ho.

Nagkaroon ng chance ang Box-office Queen na makilala ang South Korean actor sa pamamagitan ng virtual collaboration para sa isang online shopping brand.

Si Lee Min-ho ang pinakabagong celebrity endorser nito at sila nga ni Kathryn kasama ang iba pang brand ambassador ang napili para sa susunod nilang global event next month.

“Of course I’m very, very honored, super nagulat ako! Hindi ko in-expect na siya ‘yung kukunin,” pahayag ni Kathryn sa isang panayam nang tanungin ang kanyang reaksyon tungkol sa sikat na sikat na Korean actor.

Sey pa ng dalaga, kahit na virtual meet-up lang ang nangyari sa pagitan nila ni Lee Min-ho grabe pa rin yung kilig at excitement na naramdaman niya. Aniya pa, sana raw ay matuloy din ang muling pagbisita ng Korean star sa Manila kapag natapos na ang COVID-19 pandemic.

“Hopefully, kapag maayos na lahat to, he can visit us here kasi ang dami niyang supporters dito sa Philippines including me,” chika pa ni Kathryn.

Sumikat nang husto si Lee Min-ho sa mga hit K-Drama tulad ng “Boys Over Flowers”, “Legend of the Blue Sea” at “The King: Eternal Monarch.”

Samantala, “loyalty” ang magic word sa naging desisyon ni Kathryn na manatili sa ABS-CBN sa kabila ng pagpapasara rito ng Kongreso.

Sa nakaraang virtual presscon ng kauna-unahang digital movie series nina Kathryn at Daniel Padilla na “The House Arrest Of Us, ibinandera ng dalaga kung bakit ayaw niyang iwan ang Kapamilya Network.

Ani Kathryn, ang pananatili sa ABS-CBN ay ang kanyang paraan para ibalik sa istasyon ang lahat ng blessings at tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

Ipinagdiinan din niya na wala siyang planong lumipat ng ibang network, “Aside from ABS-CBN being our mother network, sobrang malaking bagay sa akin ang loyalty.

“And eto yung way ko para pasalamatan yung network na kung anong meron ako ngayon, lahat ng blessings na nari-receive namin ni DJ dahil sa kumpanya.

“So, ito yung panahon na pinaka-kailangan kami, so hangga’t kaya nag-stay kami at nakikipaglaban hanggang makabangon ang ABS-CBN.

“And ngayon na meron kaming chance para mapasaya ulit ang mga tao, mabigyan ng trabaho itong mga crew, bakit ka maglu-lose ng ganu’ng opportunity di ba? So andito kami, patuloy na naniniwala na babangon ang ABS-CBN and we’re praying for that,” sey pa ng award-winning actress.

 

Read more...