Paalala ni Mimiyuuuh: Your ghorl made it! You will make it too, we’re all gonna make it!

“KUNG keri ng ibang tao, kaya n’yo rin!” Yan ang nais ipaalala ng YouTube star na si Mimiyuuuh sa lahat ng nawawalan ng pag-asa sa panahon ng pandemya.

Isa si Mimiyuuuh sa maituturing na most influential social media stars ng bagong generation kaya masasabing makapangyarihan ang bawat sinasabi at ginagawa niya.

Imagine, sa YouTube channel niya ay meron na siyang mahigit 3.1 million subscribers habang may 1.4 million followers naman siya sa Instagram.

Idagdag pa riyan ang napakarami niyang product endorsements sa telebisyon at iba’t ibang digital platforms pati na ang mga viral collaboration niya with other celebrities including fashion icon and Kapuso actress Heart Evangelista.

At lahat yan ay nagsimula lang sa kanyang viral “Dalagang Pilipina” video last year na nagbigay ng inspirasyon at napakaraming tawa sa madlang pipol.

Siguradong aware si Mimiyuuuh na napakaraming nai-inspire sa kuwento ng kanyang buhay at sa tinatamasa niya ngayong tagumpay nang dahil sa social media.

Kaya naman, patuloy niyang ginagamit ang kanyang powers at influence para makatulong din sa ibang tao na makamit din nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Sa kanyang Instagram account, muling nagbigay ng payo at paalala si Mimiyuuuh na huwag susuko sa laban ng buhay kahit na anong mangyari at kahit gaano pa kalala ang inyong dinadala.

Sabi nga niya, kung nakaya niyang abutin ang mga pangarap niya sa buhay, kayang-kaya rin yan ng lahat ng Pinoy.

“YOUR GHORL MADE IT!!! IF YOU’RE READING THIS, YOU WILL MAKE IT TOO!!! WE’RE ALL GONNA MAKE IT!!!

“YOU IZ GONNA BE SUCCESSFUL!!! DON’T LET ANYONE STOP YOU FROM SHINING!!!

“KEEP GRINDING COZ THERE’S NOTHING BUT SUCCESS ON YOUR FUTURE!!!! GET IT GHORL!!!” ang inspiring words ni Mimiyuuuh para sa madlang pipol.

In fairness, libu-libong netizens ang nag-like at nag-comment sa post ng sikat na sikat na social media influencer at talagang um-agree sila sa mga sinabi ni Mimiyuuuh.

Kamakailan, naging hot topic din sa socmed ang pa-house tour ni Mimiyuuuh sa ipinatatayo niyang bagong bahay kung saan nakita rin ang ginagawang swimming pool sa isang bahagi ng property.

Nangako rin ang YouTube vlogger na ise-share rin niya sa kanyang milyun-milyong subscribers ang bawat bahagi ng bago nilang bahay kapag natapos na ang construction nito.

Read more...