CERTIFIED Kapuso na nga ngayon si Khalil Ramos matapos i-welcome kamakalawa ng mga bossing ng GMA sa naganap na contract signing event with GMA Artist Center.
Siyempre, marami ang nagtatanong kung anu-ano ang mga naka-line up na projects for him at kung sinu-sino ang mga makakatrabaho niya very soon.
Maraming plano ang GMA kay Khalil at siguradong matutuwa ang kanyang mga fans na matagal nang naghihintay na muli siyang mapanood sa TV.
Nang tanungin kung sino ang pinapangarap niyang makaeksena na Kapuso star bukod sa nobyang si Gabbi Garcia, ibinandera niya na big fan daw siya ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at sana nga raw ay magkatrabaho sila soon.
“He’s someone that I super look up to as an actor, if given the chance again, gusto kong makatrabaho si Kuya Dingdong Dantes.
“Because he is a well-respected and celebrated actor. I’m a fan of his work and kung sa future mayroong project in line na may chance akong makatrabaho siya, I would definitely take on that chance so let’s pray for that project!” sey ng singer-actor.
Inulan din ng positive comments mula sa netizens ang pagiging Kapuso ni Khalil at nag-trend pa ang hashtag na #WelcomeKapusongKhalil sa social media.
Sey ng isang fan, excited itong makita sa TV sina Gabbi at Khalil together, “Yeheyyyy! Welcome to GMA kuya @khalilramos looking forward for a project with ate @gabbi hihi! My #GabLil heart!”
Maraming dapat abangan kay Khalil sa kanyang bagong home network at sasalang na rin siya sa weekend variety show na “All-Out Sundays.”
* * *
Waging Pinakapasadong Aktor si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa ginanap na ika-22 Gawad Pasado.
Buong pusong nagpasalamat ang Kapuso actor sa mga Dalubguro mula sa Philippine Normal University na pumili sa kanya sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” last year.
“Isang malaking karangalan po na nabigyan ako ng award mula po sa inyong samahan.
“Nagpapasalamat po ako. Sa uulitin po. Thank you for this award kahit medyo na-late tayo dahil mayroon tayong pandemic ngayon,” ani Alden.
Ang Gawad Pasado ay taunang pagkilala sa mga natatanging Pilipino sa larangan ng pelikula at telebisyon.
Ito ay binubuo ng mga miyembro ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro mula sa Philippine Normal University.