Diana inatake ng depresyon matapos manganak: Feeling ko pasan ko ang daigdig

MATINDING post-partum depression ang naranasan ni Diana Zubiri ilang araw matapos isilang ang ikatlong anak nila ni Andy Smith.

Talagang feeling ng aktres ay nag-iisa siya sa mundo at walang katuwang sa buhay nang ipanganak si Baby Amira Jade Smith last Oct. 8.

Mas lalo pa siyang na-depress dahil nga kinailangan niyang mag-quarantine ng dalawang linggo kasama ang kanyang baby dahil nga sa ipinatutupad na health and safety protocols ng ospital.

Mag-isa lamang niyang inalagaan ang bagong-silang na anak habang naka-quarantine at ang asawa naman niyang si Andy Smith ang nagbantay sa dalawa pa nilang anak na sina Aliyah Rose Smith at Joaquin Achilles.

“Parang feeling ko hindi ko kaya. Feeling ko pasan ko ang daigdig kasi siyempre ako lang mag-isa.

“Ako lang ‘yung puyat, ako ‘yung pagod pero worth it naman siya. Looking back, iniisip ko mukha pala akong tanga nu’n. Iiyak-iyak pa ‘ko,” chika ni Diana sa panayam ng GMA 7.

Napatunayan ng dating sexy actress na isang matinding challenge ang manganak sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Natakot ako siyempre unang-una hindi ko kasama si Andy tapo tapos baka makakuha kami ng sakit.

“So, doble-doble na lang ‘yung pag-iingat. Parang two days lang kami sa ospital. Tinapos lang namin ‘yung mga kailangang vaccine ni baby, newborn screening.

“So, doble-doble na lang ‘yung pag-iingat. Parang two days lang kami sa ospital.

“Tinapos lang namin ‘yung mga kailangang vaccine ni baby, newborn screening,” lahad pa ni Diana.

Inamin naman ng aktres na hindi talaga nila masyadong ibinandera ni Andy ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

“Nahihiya kasi ako mag-announce. Bago kasi nagkaroon ng lockdown, ano na ako bedrest. Tapos hindi ako masyadong makausap.

“Kumbaga wala sa plano ko na makipagsabayan pa nu’ng lockdown na i-announce because I wasn’t feeling well talaga.

“Sabi ko okay na lang, siguro kapag nanganak na lang ako,” chika pa ni Diana Zubiri.

Read more...