Vice ikinumpara sa Miss U ang agawan sa Kongreso: May nakoronahan na sa wakas!

IKINUMPARA ni Vice Ganda ang agawan ng speakership sa House of Representatives sa makasaysayang  Miss Universe pageant noong 2015.

Aliw na aliw ang mga netizens sa mga ipinost ng Phenomenal Box-office Star sa Twitter tungkol sa pag-aagawan sa posisyon nina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at House Speaker Alan Peter Cayetano.

Mala-beauty pageant daw kasi ang agawan sa speakership sa House of Representatives partikular na ang nangyari noon sa Miss Universe kung saan naglaban sina Miss Philippines Pia Wurtzbach at Miss Colombia na si Ariadna Gutierrez.

Ngayong araw, bumandera ang balita tungkol sa pagkakatalaga kay Marinduque Rep. Velasco as the new Speaker of the House matapos ang naganap na botohan sa kongreso.

Pero bago ito, nag-post na sa Twitter si Vice tungkol sa kontrobersyang ito. Simulang tweet niya, “Only one of you can be crowned Miss Universe. If for any reason the winner is unable to perform her duties the 1st runner will take her place. Good luck to u both. And the new Miss Universe is…………!!!!!!”

Hirit pa ng TV host-comedian, “Tapos na ang pageant sa Kongreso. May nakoronahan na sa wakas.

“Ang tagal din ng pre pageant ha impernez!” chika pa ni Vice.

Kagabi, ayaw pa ring isuko ni House Speaker Cayetano ang kanyang pwesto kay Rep. Lord Allan kaya ang hirit ni Vice, “So sino na talaga ang pageant winner?

“May Steve Harvey moment ba? Sino ang Colombia at sino ang Philippines????” ani Vice na obviously, ang tinutukoy ay ang pagkakamali ng American TV host na si Steve Harvey sa pag-announce ng 2015 Miss Universe winner.

Ang una kasi niyang sinabing nanalo ay si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ngunit ilang sandali lang ay bumalik sa stage si Steve at nag-sorry dahil ang totoong winner pala ay si Pia Wurtzbach.

Sa Facebook Live naman ni Taguig 1st District Rep. Cayetano sinabi nitong magbibitiw na siya bilang House Speaker.

“I am tendering my irrevocable resignation as Speaker of the House of the Republic of the Philippines,” aniya.

Read more...