Catriona na-experience ang ‘Tanyak Tanyak’ sa Yakan Tribe ng Zamboanga

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay hindi kami sinasagot ng Cornerstone kung nakabalik na ng Maynila mula Zamboanga City si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Pumunta ng Zamboanga ang ating beauty queen bilang Otop (One Town One Product) Philippines ambassador na hinirang ng DTI.

Nag-post si Catriona ng larawang naka-tribal make-up mula sa mga katutubo na ginagawa raw kapag ikakasal na.
Ang caption ng dalaga sa larawang ipinost niya, “Alam ninyo ba na ang Yakan tribe ay may sariling makeup? Tinawag itong ‘Tanyak Tanyak’ and it’s reserved only for Yakan Couples na ikakasal.

“Kaya I’m so honored to be able to experience the art of Tanyak Tanyak firsthand with the blessing of the Yakan Tribe Leader, done by the Yakan tribe themselves.

“‘Yong mga patterns, created with rice flour, water and bamboo tools represent the moon and stars. It represents the moon and stars being witness to your love.

Sobrang ganda ng kultura natin, noh?#RaiseYourFlagZamboanga.

“Captured by @noel_can.do.it Styled by @justine.aliman19 @styledbypatrickhenry in a yakan top by @everydaypnay and a Yakan vest gifted to me by the Zamboanga Department of Tourism. Glam by @memayfrancisco @hairbybrentsales.”

May ilang nagkomento sa post ni Catriona na baka pagpaparamdam na ito sa pag-level up ng relasyon nila ng Kapamilya actor na si Sam Milby? Hindi raw kaya may plano na ring lumagay sa tahimik ang celebrity couple?

Anyway, may isa pang post si Catriona nitong Lunes ng gabi kung saan nakasuot siya ng folk costume o regional costume ng mga Zamboangueña.

Ang caption niya, “A glimpse into the life of a Zamboangueña in the 1700s. A Mascota is the traditional wear of the Zamboangueñas popularly worn in the 1700s.

“A mascota is made up of SIX elements: ang corpiño (silk or cotton slip), candongga (panuelo), renggue (upper garment), sobre falda (tapis), cola (the skirt), and enaguas (inner lining of the skirt).

“Without just one of these elements, it is not a mascota. The designer Erich Miñoza derived his inspiration from a traditional Chavacano song ‘Cucurukuk Cucudia.’

“Ang gusto ko ay mapadaling mag social distancing kapag isinusuot ang Mascota noh? Ang laki ng sleeves! #RaiseYourFlagZamboanga. Special thanks to the Mayors office and City Hall staff.”

Read more...