TOP choice ng mga bossing ng GMA 7 si Sanya Lopez para maging kapalit ni Marian Rivera sa Kapuso primetime series na “First Yaya.”
Kanina, humarap ang Kapuso sexy actress sa ilang members ng entertainment media para ibalita ang good news.
Ayon sa dalaga, mixed emotions ang nararamdaman niya ngayong pormal nang in-announce ng GMA na siya na ang magiging title role sa upcoming series na “First Yaya” kung saan makakatambal niya si Gabby Concepcion.
Masaya na kinakabahan at feeling pressured si Sanya sa bagong project na ibinigay sa kanya ng GMA pero aniya mas lamang pa rin ang excitement na nararamdaman niya para rito.
Kung matatandaan, nag-back out si Marian sa nasabing serye dahil hindi niya kaya ang matagalagang lock-in taping kaya naman agad na humanap ng kapalit niya ang production team ng “First Yaya”.
Ayon kay Ali Dedicatoria, senior program manager ng “First Yaya”, “Unanimous actually ‘yung pick namin na si Sanya will be bagay for the role. So nakita naman namin siya doon sa Haplos, sa Cain at Abel, at siyempre sa Encantadia.
“So, we think na babagay siya doon sa role. So ‘yun lang, our gut feeling at saka ‘yung past shows niya that she did really well. Unanimous ang decision ng GMA na si Sanya is fit for the role. Wala kaming second choice for her,” Aniya pa.
Sinegundahan namab ito ng director ng serye na si LA Madridejos, “Napakalaking bagay na ang daling maka-relate kay Sanya ng mga audience natin, kung paano niya dinala yung character niya mula sa Encantadia, sa Haplos, sa Dahil Sa Pag-ibig, sa Cain at Abel.
“Nakita namin ‘yung progression kung paanong nagre-respond si Sanya sa challenges na binibigay sa kanya at ina-acknowledge po ng mga audience na naging fans niya.
“Nakita namin ‘yun, and naisip namin na bagay na bagay sa character niya, sa personality niya si Yaya Melody kaya sabi nga po ni Ms. Ali, lahat kami nagkasundo, walang second choice, si Sanya dapat ang maging First Yaya,” pahayag pa ng direktor.
Ano naman ang reaksyon ni Sanya na siya ang top and only choice para sa nasabing project?
“Alam n’yo po, totoo lang, first time ko po narinig ‘yung wala silang second choice. Kumbaga parang nakakakilig kasi parang pakiramdam mo na sobra ‘yung tiwala nilang ibinigay sa’yo, na hindi na sila parang nagdalawang-isip na ‘Si Sanya.’
“Ganu’n ‘yung pakiramdam, na ang sarap lang na ang daming taong nagtitiwala sa ‘yo. Kaya I’m very happy. Thank you, direk. Thank you po Ms. Ali at sa buong production po. Thank you so much!”
Patuloy pa niyang kuwento, “Actually tinanggal ako sa Lolong, so ‘yung bad news muna. Sabi ko, ‘Oh, bakit po?’ Kasi alam ko magte-taping na rin kami talaga. And then dumating ‘yung time na parang sinabi nila sa akin na, ‘Kasi meron ka daw First Yaya.
“Sabi ko, ‘O, talaga? Ako ba talaga? Parang na-shock ako kasi siyempre of course, Ms. Marian Rivera ‘yun and parang hindi rin naman po ako nag-audition so sabi ko, ‘Paanong ako?’
“Natutuwa po ako, sobrang saya. Sabi ko, merong mga bagay na inaalis sa’yo pero merong mga bagay talagang ibabalik na maganda. Kaya sobrang happy,” chika ni Sanya.
Inamin naman ng dalaga na wala muna siyang pinagsabihan na siya na ang papalit kay Marian dahil, “Meron kasi akong paniniwala na actually hangga’t hindi pa nagsisimula ‘yung taping, hangga’t hindi ko pa napapanood ‘yung sarili ko sa TV, hindi ko pa rin talaga iniisip na ako talaga si First Yaya.
“Pero kapag dumating ‘yung aktingan na, magsisimula na kami. Ibibigay ko po talaga, makikita niyo ako bilang inyong First Yaya,” pahayag pa ng dalaga.