Angelica nakipagkulitan kina Glaiza at Kean habang dyumi-jingle

IBANG klase talaga itong si Angelica Panganiban kapag nag-trip!

Ihing-ihi na kasi siya at hindi maiwan ang mga kausap sa digital show niyang “#AskAngelica” kaya dinala na lang ang laptop hanggang sa banyo.

Ipinatong niya ito sa gilid na kita siya hanggang dibdib kaya alam ng mga nanonood kung ano ang ginagawa niya.

Sa episode 3 ng “#AskAngelica” na may titulong “United Colors of Pagmamahalan | Angelica Panganiban | Ask Angelica” ay bigla siyang naihi dahil sa tanong ng netizen.

AninMuriel na may asawang foreigner at naninirahan na sa ibang bansa, “Paano namin ipapaintindi sa asawa namin na kailangan naming suportahan ang family namin sa Pilipinas.”

Sabi ni Angge, “Shocks ang hirap ng tanong (sabay taas ng kamay)! Puwede ba akong umihi?”

“Naiihi ka?” natawang tanong ni Kean Cipriano (co-host).

“Sama mo naman kami,” hirit ng isa pang co-host na si Via Antonio.

Pero hindi na nila napigilan ang host dahil bitbit nito ang laptop at naglalakad patungong banyo habang tumatawa.

“Pupunta ka nga sa CR,” say naman ni Glaiza de Castro na siyang special guest sa nasabing episode.

“Ayaw nating magkakahiwalay dito!” hirit ni Via.

At dahil kita ang kalahati ng katawan ni Angge ay sinita siya ni Glaiza, “Hoy!” sabay tawa ng Kapuso star.

“Ha-hahaha! Konserbatibo ang Glaiza,” sambit ni Via.

Inayos ng aktres ang laptop kaya mukha na lang nito ang nakita pero alam ng mga nanonood na nakaupo pa rin siya sa “trono.”

Nang matapos na si Angelica, medyo tumayo ito at halatang itinaas ang underwear na tawa pa rin nang tawa.

“Make sure you flush the toilet and close the cover,” say ni Via.

Dagdag na hirit naman ng netizen na si Muriel, “And wash your hands.”

Nakitang nag-flush naman ng toilet si Angge at naghugas din ng kamay.

Tawa naman nang tawa habang pinapanood ni Glaiza ang amiga (tawagan nila) niya. At hayun, back to zoom na uli si Angelica.

Ito naman ang payo ni Angge kay Muriel, “Minsan kasi ang mga kapamilya natin medyo nasanay doon sa nakasanayan (financial support), di ba? So mahirap din talagang mag-adjust, mahirap ‘yung i-break.

“Siguro okay kapag wala ka pang pamilya, pero kapag nagkapamilya ka na, bigyan na lang natin ng kabuhayan showcase para tuluy-tuloy na ang income nila, at least you’re trying to help at long term naman ‘yung gusto kong tingnan doon,” sabi pa ng aktres.

Anyway, isa ito sa gusto naming ugali ni Angelica, ang pagiging totoo at hindi filtered ang ugali bagay na nagustuhan ng isa sa mga ex-boyfriend niya.

Sayang nga lang at hindi sila nagkatuluyan dahil may problema sa parte ng guy.

Read more...