Hindi ako biglang forever na mawawala, pero konti na lang ang kaya kong ibigay…
PANGAKO ni Megastar Sharon Cuneta sa lahat ng Sharonians, hindi naman siya basta mawawala na lang na parang bula sa mundo ng showbiz.
Nalungkot at nag-alala ang mga tagasuporta ng singer-actress matapos siyang mag-post sa Instagram ng kanyang selfie na tila pagod na pagod na at may caption na, “Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you!”
“Last year ko pa naiisip at nararamdaman ito. I love you all so much, and I will try my very best to give you the best of me before I say goodbye,” lahad pa ng movie queen.
Ngunit agad namang nilinaw ni Mega na may mga gagawin pa siyang proyekto sa mga susunod na buwan bago tuluyang magpaalam sa mundong naging second home na niya mula pa noong bata siya.
“Just seeing as we don’t know yet when this pandemic is leaving or when a vaccine is gonna be discovered, I am preparing for my retirement,” simulang paliwanag ng movie icon sa pamamagitan ng Instagram.
“I am semi-retired as it is! I planned to retire after I got married to Kiko at 30, but I’ve always taken cues from God. I wed in the middle of shooting ‘Madrasta.’
“Then so many other things followed, so I knew it wasn’t time yet. Don’t worry about me—my parents always prepared me for this! And I’ve been getting ready to retire for another 2 decades,” aniya pa.
Dagdag pa ni Shawie, kailangan na rin daw paghandaan ng fans ang retirement niya, “But please, ready yourselves, okay? I love you. God bless you all!”
Kung matatandaan, ilang beses na ring nabanggit ni Sharon ang pagre-retire lalo na nang mag-college na ang anak niyang si Frankie Pangilinan sa New York.
“Since last year l have seriously been thinking of semi-retiring. I am so very tired. It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na ‘tama na.’
“When will it ever be enough? Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay,” pahayag ni Mega.
Aniya pa, “Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family. Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians. Mahal na mahal ko kayo… pero pagod na rin si Mama.
“‘Di naman siguro ako biglang forever na mawawala… pero konting-konti na lang siguro ang kakayanin kong ibigay until magpahinga na ako at i-enjoy naman ang tinatawag na private life na alam ng karamihan pero tungkol saan kokonti lang ang alam ko,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.