Sarah Wurtzbach nag-sorry; nakiusap na wag isumpa si Pia

PAGKATAPOS murahin at pagsalitaan nang masasakit ang kapatid na si Pia Wurtzbach, nakikiusap naman ngayon si Sarah Wurtzbach na huwag namang isumpa at bastusin ang beauty queen-actress.

Kaya naman siya ngayon ang binabatikos ng mga netizens dahil after niyang ibandera sa publiko ang galit niya kay Pia ay bigla siyang kakambyo nang parang wala lang nangyari.

Viral at trending ang mahabang pasabog ni Sarah laban sa kanyang sisteraka at idinamay pa nga niya sa kontrobersya ang kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall.

Kung babasahing mabuti ang mga maaanghang na salitang pinakawalan ni Sarah, mukhang naipon na nga ang sama ng loob niya kay Pia at sa kanilang nanay.

Dami mong kuda pero sorry wala. Tapos mangdadamay ng ibang tao na wala naman sa usapan. Magsama kayo ni mama.

“Nag-iisa mong kapatid ayaw mong suportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan. Kung alam lang ng ibang tao kung gaano kabaho ugali niyo ni mama.

“‘Di porket nananahimik ako, ako ‘yung masama. Ako pa kailangan lagi magpakumbaba eh ako na nga ‘yung naaabuso. T*ng i*a niyo,” ang bahagi ng post ni Sarah sa kanyang Instagram Stories.

Ngunit bigla ngang nagbago ang tono nito nang umapela sa madlang pipol na tigilan na ang pambabatikos sa aktres.

“Stop hating on Pia. Yes I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything.

“If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world.

“I’m fighting a losing battle everyday and I’m sorry if I took it this far, but being silenced for many years takes a toll on you,” ani Sarah sa bago niyang IG  post.

Mariin din niyang sinabi na hindi siya nagpapapansin at meron siyang “hidden motive” sa paglalabas ng kanyang galit sa social media.

Aniya, “I don’t want fame, or be acknowledged by others, or money, or things. I really just want a hug.. I feel so alone everyday.

“Id rather vent my anger however I can, any way I can so long as it can release from within.

“I wanna be able to make it to tomorrow and wake up to my kids knowing that mommy hasn’t given up and she’s staying alive for us. Even though it’s easier to just end it all,” pag-amin pa ni Sarah.

Wala pa ring inilalabas na pahayag si Pia tungkol sa issue. Pero ang payo sa kanya ng ilang fans, huwag nang patulan ang kapatid at pag-usapan na lang nila ang problema sa pribadong paraan.

Samantala, mukhang hindi naman affected ang nanay nina Sarah at Pia sa kontrobersya dahil nag-post pa ito sa Instagram na nagpapayo sa lahat na maging positive lang palagi.

“Let’s be positive during Pandemic,” ani Cheryl Tyndall. Nag-promote rin siya sa Facebook na panoorin ang bago niyang vlog sabay sabing, “Be positive lang! Salamat po.”

Read more...