Bea kay Alden: Wish ko ring magkatrabaho kami, sobrang bait niya

LOOKING forward din pala si Bea Alonzo na makatambal sa isang proyekto ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Puring-puri ng Kapamilya actress ang Kapuso Drama Prince dahil bukod daw sa napaka-professional na nitong katrabaho ay sobrang bait pang tao.

Nagkasama sina Bea at Alden para sa isang TV commercial last year (February) for a shampoo brand na kinunan pa sa Thailand.

Pagkatapos lumabas ang kanilang TV ad ay marami na ang nagre-request na sana’y pagsamahin din sila sa isang pelikula.

Kung ang pagbabasehan ay ang ginawa nilang commercial, nag-uumapaw daw ang chemistry sa pagitan ng Asia’s Multimedia Star at sa tinaguriang Kapamilya Drama Queen.

Sa isang interview namin kay Alden, sinabi ng Kapuso heartthrob na isa si Bea sa mga aktres na nais niyang makasama sa isang movie project.

Talagang dream come true raw para sa kanya kapag nabigyan sila ni Bea ng pagkakataon na magsama sa pelikula.

“Kasi nag-meet kami before sa airport on our way sa Sinulog festival. Tapos nagkumustahan, kasi the last time we saw each other ay sa party noong stylist namin kasama si Idan (John Lloyd Cruz).

“Sabi ko sana magkaroon ng chance na maka-work ko siya in a movie or in any project. We’ll see,” ang lahad noon ng binata.

Sa latest YouTube vlog ni Bea kung saan sinagot niya ang ilang tanong ng kanyang fans at subscribers, may nagtanong nga about Alden.

Aniya, “Sana magkatrabaho kami (para sa isang acting project). Wish ko rin na mangyari ‘yun. He’s such a nice person.”

Dito na nga niya pinuri nang bonggang-bongga ang Kapuso actor, “I’ve worked with him, sobrang bait. Hindi lang siya, pati ‘yung team niya. I had the best time with him.”

Tungkol naman sa pagiging aktor ni Alden, “I think he’s a very, very good actor. Napanood ko yung ‘Hello, Love, Goodbye.’ Sobrang galing nila ni Kathryn (Bernardo) doon.”

Kayo dear BANDERA readers, tingin n’yo ba may chance na pagtambalin sina Bea at Alden ng GMA Films at ang Star Cinema? Well, let’s wait and see na lang.

Read more...